Nagsagawa ng isang Press Conference ang 𝗣𝗦𝗔 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝘀𝘁𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 sa pangunguna ni 𝗠𝗿. 𝗘𝗳𝗿𝗲𝗻 𝗖. 𝗔𝗿𝗺𝗼𝗻𝗶𝗮, 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝘀𝘁𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹𝗶𝘀𝘁, upang ilahad ang estado ng implasyon sa buwan ng Marso nitong ika-14 ng Abril.

Bahagyang bumaba sa 𝟭𝟬.𝟬% ang implasyon o ang pagtaas sa pangkalahatang antas ng mga presyo ng kalakal at mga serbisyo sa lalawigan ng Oriental Mindoro nitong buwan ng Marso mula sa 𝟭𝟬.𝟳% noong Pebrero 2023.

Ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA Oriental Mindoro Provincial Office, ilan sa mga main sources ng deceleration o pagbaba ng implasyon ay ang mga sumusunod:

Una ay ang Housing, Water, Electricity, Gas, and Other Fuels na nasa 𝟭𝟮.𝟳% ngayong Marso mula sa 𝟭𝟱.𝟬% noong Pebrero.

Pumapangalawa naman ang Transport na mula sa 𝟴.𝟰% ay bumaba sa 𝟯.𝟵% inflation rate.

Pangatlo sa mga salik ay pagbaba ng Restaurant and Accommodation Services na nasa 𝟭𝟲.𝟱% na lamang mula sa 𝟭𝟴.𝟮%.

Samantala, ilan naman sa mga pangunahing kontributor sa implasyon ay ang pagtaas ng mga pagkain at non-alcoholic beverages tulad ng bigas, gulay, gatas, at itlog.

Sa kabila ng pagiging main source ng pagbaba ng implasyon, kabilang pa din sa may matataas na presyo ang mga renta ng bahay, kuryente, uling, at mga restawran.