“๐‘ท๐’Š๐’„๐’Œ๐’Š๐’๐’ˆ ๐’๐’๐’• ๐’๐’๐’๐’š ๐’•๐’˜๐’ ๐’ƒ๐’–๐’• ๐’•๐’‰๐’“๐’†๐’† ๐’ƒ๐’Š๐’“๐’…๐’” ๐’Š๐’ ๐’๐’๐’† ๐’”๐’•๐’๐’๐’†” at ang sabi pa, “๐‘ฏ๐’–๐’๐’Š ๐’Ž๐’‚๐’ ๐’…๐’‚๐’˜ ๐’‚๐’• ๐’Ž๐’‚๐’ˆ๐’‚๐’๐’Š๐’๐’ˆ, ๐’๐’‚๐’Š๐’Š๐’‰๐’‚๐’ƒ๐’๐’ ๐’…๐’Š๐’”, ganyan ang nangyari sa isinagawang Barangay Assembly ng ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—ฉ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—–๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐—น na sinabayan pa ng Post-Christmas at Post-Valentines Party, Pebrero 18, 2023.

Sa mensahe ni ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ถ๐—ฟ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—”๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐—ป “๐—ง๐—ถ๐—ป๐—ด” ๐—•๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ฟ ay kanyang sinamantala ang pagkakataon upang magpasalamat sa pakikiisa at suportang ibinibigay ng kanyang mga ka-barangay. Aniya pa, bagamat matagal nang nakalipas ang Pasko at nakalipas na rin ang Valentines Day ay hindi pa naman huli para magdiwang at ipadama ang pagmamahal sa isa’t isa.

Dahil ang San Vicente Central ang siyang sentro ng negosyo sa lungsod ay walang miyembro ng 4P’s sa lugar, na nangangahulugang nasa maayos ang kabuhayan ng mga residente dito. Ipinagmalaki din ng Punong Barangay na sa nakalipas na mga taon ng kanyang panunungkulan ay walang malalaking krimen ang naitala sa kanyang nasasakupan.

Sa ๐’€๐’†๐’‚๐’“ ๐‘ฌ๐’๐’… ๐‘น๐’†๐’‘๐’๐’“๐’•, ay iniulat ni Barangay Chairman Bolor ang mga naipatupad na at ipatutupad pa na mga proyekto sa huling termino ng kanyang panunungkulan.

Sa pagdalo ni ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐— ๐—ฎ๐—น๐—ผ๐˜‚ ๐—™๐—น๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€-๐— ๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—น๐—ผ sa masayang aktibidad ng Barangay San Vicente Central ay kanyang ipinaabot ang pagtanaw ng utang na loob sa malaking bilang ng boto na ibinigay sa kanya ng mga residente dito.

Kung kaya naman buong puso siyang sumusuporta sa mga adhikaing ikakaganda ng kanilang barangay.

Samantala, bata man o matanda ay pawang nasiyahan sa mga inihandang parlor games gayundin sa pagtatanghal nang sikat na magician na si Kuya IDOL The Magician,CLOWNS in Calapan Oriental Mindoro-09199919558.

Tanda ng kanyang kabutihang loob at pagmamahal ni Kapitan ‘๐‘ซ๐’๐’Œ๐’•๐’Š๐’๐’ˆ’ para sa kanyang mga ka-barangay ay kanyang binigyan ng pagkain ang mga nagsidalo at may munting regalo din sa lahat ng rehistradong botante ng kanyang barangay.