𝐏𝐑𝐎𝐕𝐈𝐍𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐍𝐎. 𝟏𝟒𝟓-𝟐𝟎𝟐𝟐 𝐎𝐑 𝐀𝐍 𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐀𝐋𝐋𝐎𝐖𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐇𝐄 𝐄𝐗𝐓𝐑𝐀𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐑𝐄𝐌𝐎𝐕𝐀𝐋 𝐀𝐍𝐃 𝐃𝐈𝐒𝐏𝐎𝐒𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐁𝐎𝐔𝐋𝐃𝐄𝐑-𝐒𝐈𝐙𝐄𝐃 𝐕𝐎𝐋𝐂𝐀𝐍𝐈𝐂 𝐑𝐎𝐂𝐊 𝐅𝐋𝐎𝐀𝐓 𝐃𝐄𝐏𝐎𝐒𝐈𝐓𝐒 (𝐀𝐑𝐌𝐎𝐔𝐑 𝐑𝐎𝐂𝐊𝐒) 𝐖𝐈𝐓𝐇𝐈𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐓𝐄𝐑𝐑𝐈𝐓𝐎𝐑𝐈𝐀𝐋 𝐉𝐔𝐑𝐈𝐒𝐃𝐈𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐕𝐈𝐍𝐂𝐄 𝐎𝐅 𝐎𝐑𝐈𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐌𝐈𝐍𝐃𝐎𝐑𝐎, 𝐀𝐍𝐃 𝐅𝐎𝐑 𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑 𝐏𝐔𝐑𝐏𝐎𝐒𝐄𝐒

𝐇𝐎𝐍. 𝐌𝐀𝐋𝐎𝐔 𝐅𝐋𝐎𝐑𝐄𝐒 𝐌𝐎𝐑𝐈𝐋𝐋𝐎

𝐂𝐀𝐋𝐀𝐏𝐀𝐍 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑

PAGKAUPO KO BILANG PUNONG LUNGSOD NG CALAPAN, KAAGAD KONG PINAGTIBAY ANG LUNTIANG LUNGSOD NG CALAPAN O GREEN CITY OF CALAPAN BILANG KABUUANG BALANGKAS NG PAMAMAHALA AT PAGPAPAUNLAD SA LUNGSOD. SA LUNTIANG LUNGSOD, MAGKAKAUGNAY AT HINDI MAAARING PAGHIWALAYIN ANG TATLONG MAHAHALAGANG HALIGI NITO: PAGPAPAUNLAD NG LUNTIANG EKONOMIYA, PANGANGALAGA SA KALIKASAN, AT PAGTITIYAK SA KAGALINGAN NG MAMAMAYAN.

ANG LUNTIANG LUNGSOD NG CALAPAN AY IBINUNSOD NG PANGANGAILANGANG PAGHANDAAN ANG LIKAS-KAYANG PAG-UNLAD NG LUNGSOD SA HARAP NG LUMALAKING POPULASYON AT NG LUMALALANG EPEKTO NG PAGBABAGO SA KLIMA O CLIMATE CHANGE. HINDI NA MAAARING IPAGPASAWALANG-BAHALA ANG PAGKASIRA NG KALIKASAN NA SIYANG PINAGKUKUNAN NG KABUHAYAN AT NANGANGALAGA SA KALUSUGAN NG ATING MAMAMAYAN.

SA ILALIM NG LUNTIANG LUNGSOD, MALINAW ANG POSISYON NG PAMAHALAANG PANGLUNGSOD SA USAPING ITO. ANG PAGPAPAHILOM SA ATING KALIKASAN ANG MAGDADALA SA ATIN TUNGO SA TUNAY NA KAUNLARAN. DAHIL DITO, ANG AMING BUONG PAGSUPORTA SA PAGPAPATUPAD NG ORDINANSA SA 50-YEAR MINING MORATORIUM SA ORIENTAL MINDORO AY ISA SA MGA PRAYORIDAD SA ILALIM NG LUNTIANG LUNGSOD. ISINAMA RIN NAMIN ITO SA 6-YEAR CITY DEVELOPMENT PLAN AT EXECUTIVE-LEGISLATIVE AGENDA NG PAMAHALAANG PANGLUNGSOD.

SA AMING PAGSUSURI SA PROVINCIAL ORDINANCE NO. 145-2022 O ANG ORDINANCE ALLOWING AND REGULATING THE EXTRACTION, REMOVAL AND DISPOSITION OF BOULDER-SIZED VOLCANIC ROCK FLOAT DEPOSITS (ARMOUR ROCKS) WITHIN THE TERRITORIAL JURISDICTION OF THE PROVINCE OF ORIENTAL MINDORO, AND FOR OTHER PURPOSES, MAY MAHAHALAGANG BAGAY NA NAIS NAMING MABIGYAN NG KALINAWAN:

ANG SECTION 3. N. QUALIFIED PERSON. ANG PAGPASOK NG FINANCIAL AND TECHNICAL ASSISTANCE AGREEMENT OF (FTAA) NA PUMAPAYAG SA PAGPASOK NG MALALAKING MINAHAN.

ANG PAGPAPAHINTULOT SA PAGPASOK NG FTAA, NA BATAY SA MINING ACT OF 1995, AY MAAARING MAKAKUHA NG HANGGANG 81,000 EKTARYA SA KALUPAAN AT HANGGANG 324,000 EKTARYA SA KARAGATAN AY MALAKING PAGTALIWAS SA PANGUNAHING DAHILAN KUNG BAKIT IPINASA ANG 25-YEAR MINING MORATORIUM NOONG 2002 – PARA PROTEKSYUNAN ANG LALAWIGAN AT MAMAMAYAN MULA SA PAGKAWASAK NG BUHAY, KABUHAYAN AT KALIKASAN. ANG PROVINCIAL ORDINANCE NO. 145-2022 AY HINDI LAMANG SIMPLENG PAG-AMYENDA SA MINING MORATORIUM, LUMALABAS NA PINAWAWALAN NITO NG SAYSAY ANG MAHALAGANG BAHAGI NG MORATORYO.

ANG PROVINCIAL ORDINANCE NO. 145-2022 AY ISANG USAPING NAPAKASENSITIBO PARA SA MAMAMAYAN NG CALAPAN AT NG SILANGANG MINDORO. KUNG KAYA’T MAHALAGANG MARINIG NATIN ANG PANANAW AT PANININDIGAN NG MGA MAMAMAYAN, MGA SIYENTISTA, AT EKSPERTO, PARA MAISIGURO NATING ANG ORDINANSA AY PARA SA IKABUBUTI NG LAHAT.

NAIS KO RIN PONG ILINAW NA BILANG PUNONG LUNGSOD NG CALAPAN, HINDI PO AKO KASAPI NG LEAGUE OF MUNICIPALITIES IN ORIENTAL MINDORO.

KUNG KAYA’T BILANG PUNONG LUNGSOD NG CALAPAN, ITO ANG MGA BAGAY NA HINIHILING KO SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN:

IBALIK MULI ANG ORDINANSA SA MALAWAKANG KONSULTASYON SA MGA TAO PARA MAISUGURONG ANG EPEKTO NITO AY PARA SA KABUTIHAN NG LAHAT. ISAGAWA RIN ANG MAS MALALIM AT MALAWAKANG SIYENTIPIKONG PAG-AARAL HINGGIL SA POSIBLENG EPEKTO NG PAGKUHA NG ARMOUR ROCK SA KALIKASAN, SAMU’T SARING BUHAY, KATUBIGAN, KAGUBATAN, ILOG, KARAGATAN, KABUHAYAN AT KALIGTASAN NG MGA MAMAMAYAN, GAYUNDIN SA PAGBABAGO NG KLIMA O CLIMATE CHANGE.

AT HANGGANG HINDI PA NAGKAKAROON NG LINAW AT PAGBABAGO HINGGIL SA MGA PUNTONG NAILAHAD KO, TINITIYAK KO SA MGA KABABAYAN KONG CALAPENO NA ANG PAMAHALAANG PANGLUNGSOD NG CALAPAN – ANG EHEKUTIBO AT SANGGUNIANG PANLUNGSOD –AY KAISA NINYO PARA MAITIYAK ANG KALIGTASAN, KALUSUGAN, KALIKASAN, AT KABUHAYAN NG TAUMBAYAN.

MULI, DAHIL PINANININDIGAN PO NATIN ANG PAGSUSULONG NG LUNTIANG LUNGSOD NG CALAPAN AT ANG BUONG KAGALINGAN NG ATING MGA KABABAYAN, TUMITINDIG PO TAYO PARA SA PAG-AALAGA NG KALIKASAN, NG ATING PROBINSYA.

IISA ANG ATING LALAWIGAN, SAMA-SAMA PO NATIN ITONG PANINDIGAN AT INGATAN.