Patuloy ang personal na pagdalo ni 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa mga isinasagawang pagpupulong ng iba’t ibang samahan ng mga magsasaka sa lungsod ng Calapan.
Kaugnay nito, Biyernes ika-22 ng Setyembre, nagtungo ang alkalde sa 𝗖𝗮𝗻𝘂𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗜 covered court upang makipagdayalogo sa mga magsasaka ng naturang barangay.
Paniniwala ng Ina ng Lungsod, mainam ang regular na pagtitipon-tipon upang bigyang daan ang pagresolba sa anumang mga suliranin na nararanasan ng samahan at gayundin ay makapagbalangkas at makapagpalitan ng ideya ang bawat miyembro sa kung papaano mapapahusay pang higit at magiging epektibo ang kanilang samahan.
Samantala, naging kaisa rin ng alkalde si 𝑲𝒐𝒏𝒔𝒆𝒉𝒂𝒍𝒂 𝑨𝒃𝒐𝑮𝒂𝒏𝒅𝒂 Atty. Jel Magsuci sa pagpapabatid sa mga naroroong magsasaka na bukas ang pamahalaang lungsod sa kanilang mga suhestyon at anumang mungkahi, lalo na’t ito ay sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura ng lungsod ng Calapan.
Lubos na ipinagpasalamat naman ng lahat ng naroroon ang personal na pagpunta ng alkalde sa kanilang monthly meeting, anila malaking bagay na naroroon ang Ina ng Lungsod upang makadaupang-palad nila at makausap hinggil sa ilang napapanahong isyu na pumapaloob sa kanilang sektor.