Higit pang pagpapaigting at pagpapatibay ng ugnayan ng kapulisan, komunidad at faith based group para sa mas maayos at mapayapang pamayanan – ito ang naging layon ng isinagawang 𝗥𝗲𝘃𝗶𝘁𝗮𝗹𝗶𝘇𝗲𝗱 𝗣𝗡𝗣 𝗞𝗔𝗦𝗜𝗠𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗙𝗼𝗿𝘂𝗺, ikalawang araw ng Pebrero taong kasalukuyan sa Hinirang Hall, RHQ Building

Camp BGen Efigenio C. Navarro, sa Brgy. Suqui, Calapan City.

Labis ang pagbibigay importansya ni 𝗣𝗡𝗣 𝗖𝗛𝗜𝗘𝗙 𝗚𝗘𝗡𝗘𝗥𝗔𝗟 𝗥𝗢𝗗𝗢𝗟𝗙𝗢 𝗦 𝗔𝗭𝗨𝗥𝗜𝗡 𝗝𝗥. sa pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan gayundin ng mga sektor sa lipunan upang matagumpay na maisakatuparan ang pagpapatupad ng mga batas at programang hatid ay kabutihan at kapakanan ng nakararami, ito ang nagtulak sa kanya upang personal na pangunahan ang nasabing forum.

Sa pagdalo naman ni 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, aniya “𝑼𝒎𝒑𝒊𝒔𝒂 𝒑𝒂 𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒕𝒐, 𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒌𝒊𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒅𝒂𝒍𝒐 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒈𝒑𝒊𝒓𝒎𝒂 𝒔𝒂 𝑷𝒍𝒆𝒅𝒈𝒆 𝒐𝒇 𝑪𝒐𝒎𝒎𝒊𝒕𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏𝒈𝒂𝒉𝒖𝒍𝒖𝒈𝒂𝒏 𝒏𝒂 𝒂𝒌𝒐 𝒂𝒕 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒏𝒂𝒏𝒂𝒕𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒂𝒈𝒂𝒑𝒂𝒚 𝒏𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒎𝒊𝒕 𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒚𝒐𝒏 𝒏𝒂 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒊𝒔𝒂𝒉𝒊𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒑𝒖𝒍𝒊𝒔𝒂𝒏, 𝒔𝒊𝒎𝒃𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒎𝒂𝒚𝒂𝒏𝒂𝒏 𝒕𝒖𝒏𝒈𝒐 𝒔𝒂 𝒎𝒂𝒔 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒑𝒂𝒚𝒂𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒌𝒐𝒎𝒖𝒏𝒊𝒅𝒂𝒅”.

Ang naturang multi-sectoral program na ito ay pinaniniwalaang magtutulay sa kapulisan, publiko at komunidad tungo sa mas mapayapa, ligtas at mas protektadong lipunan.

“𝑨𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒈𝒂𝒎𝒑𝒂𝒏𝒊𝒏 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒎𝒂𝒊𝒔𝒂𝒌𝒂𝒕𝒖𝒑𝒂𝒓𝒂𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒊𝒕𝒉𝒊𝒊𝒏 𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒑𝒂𝒚𝒂𝒑𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒊𝒑𝒖𝒏𝒂𝒏 𝒔𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒈𝒌𝒂𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕𝒂𝒏”. – CPNP RODOLFO S AZURIN JR.

Dinaluhan ang naturang forum ng mga punong bayan ng Oriental at Occidental Mindoro, Regional Advisory Council members, faith based group leaders, ilan pang mga konsernadong indibidwal, at ng PRO MIMAROPA Command Group sa pamumuno ni 𝗣𝗕𝗚𝗘𝗡 𝗦𝗜𝗗𝗡𝗘𝗬 𝗦 𝗛𝗘𝗥𝗡𝗜𝗔, 𝗥𝗗 𝗣𝗥𝗢 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔.