Bilang 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗥𝗲𝗱 𝗖𝗿𝗼𝘀𝘀 (𝗣𝗥𝗖) – 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿, personal na dumalo si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa 𝑨𝒑𝒑𝒓𝒆𝒄𝒊𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑫𝒊𝒏𝒏𝒆𝒓 ng pagdiriwang ng 75𝒕𝒉 𝑨𝒏𝒏𝒊𝒗𝒆𝒓𝒔𝒂𝒓𝒚 ng PRC sa Shangri-la The Fort, BGC, Taguig, ika-15 ng Abril.
Pinangunahan ni 𝗛𝗼𝗻. 𝗥𝗶𝗰𝗵𝗮𝗿𝗱 𝗝. 𝗚𝗼𝗿𝗱𝗼𝗻, 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 at 𝗖𝗘𝗢 ng 𝗣𝗥𝗖, at 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗗𝗿. 𝗚𝘄𝗲𝗻𝗱𝗼𝗹𝘆𝗻 𝗣𝗮𝗻𝗴 ang gabi ng pagdiriwang kung saan ipinakita ang naging kasaysayan at kuwento ng PRC.
Gayundin, binigyang-pagkilala ang mga key volunteers, partners, at stakeholders na aktibong nakikilahok sa pagbibigay ng humanitarian services sa buong bansa.

























