“People’s Council of Calapan City resolution for the declaration of Social Development Day / Week in Calapan City”

Kaisa si City Mayor Marilou Flores-Morillo, matagumpay na idinaos ang aktibidad na “People’s Dialogue: CSO Report Card on LGU Performance in Health and Social Protection Towards Electoral

Agenda Building”, bilang bahagi ng PC3 of Calapan City 2nd Founding Anniversary na naisakatuparan sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamamagitan ng People’s Council of Calapan City, sa pamumuno ni Ms. Doris G. Melgar (President, PC3, Calapan City), ginanap sa ABC Hall, Local Government Center, Calapan City Hall Complex, nitong ika-26 ng Pebrero.
Ang aktibidad na ito ay dinaluhan ng mga kalahok mula sa iba’t ibang Civil Society Organization (CSO) sa Lungsod ng Calapan, kasama ang mga tagapagsalita at mga tagapagpadaloy, kung saan iprinisenta rito ang tungkol sa “People’s Council of Calapan City resolution for the declaration of Social Development Day / Week in Calapan City”, kung saan nagkaroon din dito ng Ceremonial Awarding ng livelihood projects sa CALSEDECO at SAMPACA Cooperative.
Gayundin, binigyang daan ang pagtalakay tungkol sa “PC3 Annual Accomplishment Report 2024” sa pangunguna ni Ms. Doris G. Melgar at “CSO report card on LGU performance in health and social protection programs”, kabilang ang pagbibigay pansin sa iba pang mga mahahalagang usapin.
Samantala, dumalo at naging bahagi rin ng naturang aktibidad sina EnP. Ivan Stephen F. Fadri, CPA, CESE, City Director, DILG Calapan, Atty. Jean Phebie G. De Mesa, CSO Desk Officer, PGOM, SARILAYA Inc. Secretary General, Ms. Myrna Jimenez, STC Program Administrator, Mr. Peter Joseph V. Dytioco (CSO Desk Officer, Calapan City Government), CODE NGO Executive Director, Mr. Sandino Soliman at KAFCODE Secretary, Corazon S. Morilla, PhD..