𝑻𝒂𝒖𝒎𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏, 𝑨𝒌𝒕𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝑴𝑨𝒌𝒊𝒍𝒂𝒉𝒐𝒌 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒎𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂!
Ipinagdiwang ang 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 ng 𝗣𝗲𝗼𝗽𝗹𝗲’𝘀 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 na may temang
“𝑻𝑨𝑼𝑴𝑩𝑨𝒀𝑨𝑵 𝑺𝑰𝑮𝑳𝑨𝑲𝑨𝑺𝑨𝑵 2024 – 𝑷𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑻𝒂𝒖𝒎𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏, 𝑰𝒌𝒂𝒘 𝒂𝒕 𝑨𝒌𝒐 𝑲𝒐𝒏𝒆𝒌𝒕𝒂𝒅𝒐” nitong ika-16 ng Pebrero sa Calapan Nature’s Park, Bulusan.
Matatandaan na naging mahalaga para kay 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang pagbubuo ng 𝑷𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆’𝒔 𝑪𝒐𝒖𝒏𝒄𝒊𝒍 sa lungsod ng Calapan. Para sa kaniya, dapat magkaroon ng boses ang mamamayan at nakikiisa sa pamamahala.
Sa okasyong ito, iniulat ni 𝗠𝘀. 𝗗𝗼𝗿𝗶𝘀 𝗠𝗲𝗹𝗴𝗮𝗿, 𝑷𝒓𝒆𝒔𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕 ng 𝑷𝑪3, ang estado ng samahan at ang mga nakamit nila sa loob ng isang taon. Naging katuwang ng PC3 ang pamahalaang lungsod, partikular na ang 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗳𝗳𝗮𝗶𝗿𝘀 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 sa pangunguna ni 𝗠𝗿. 𝗔𝘃𝗲𝗹𝗶𝗻𝗼 𝗣. 𝗧𝗲𝗷𝗮𝗱𝗮.
Nagtagisan naman ang mga Civil Society Organizations at Members ng PC3 sa mga larong inihanda para sa kanilang kauna-unahang TAUMBAYAN SIGLAKASAN.
Samantala, kasama naman ng Punong-lungsod na dumalo sa programa ang kaniyang 𝗖𝗵𝗶𝗲𝗳 𝗼𝗳 𝗦𝘁𝗮𝗳𝗳 𝗻𝗮 𝗠𝗿. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶 at naimbitahan din ang ilang mga opisyal mula sa 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗟𝗮𝗯𝗼𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗘𝗺𝗽𝗹𝗼𝘆𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔, at 𝗗𝗜𝗟𝗚 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼.