Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the wp-expand-tabs-free domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6114
PEACE CORPS VOLUNTEERS MEET & GREET WITH MAYOR MORILLO – Calapan City Official Website

PEACE CORPS VOLUNTEERS MEET & GREET WITH MAYOR MORILLO

Sinadya ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang mga Peace Corps Volunteers kasama ang ilan pang representante ng mga Local Government Units mula sa Luzon at Visayas upang personal niyang makadaupang-palad ang mga itinuturing niyang kabalikat sa pangangalaga ng ating Marine Ecosystem.

Ang nasabing grupo ay mga kalahok sa isinasawang Enhancing MPA Management Training Workshop na ginaganap sa Puerto Galera, Hunyo 17-22, 2024.

Bahagi ng programa ang Learning Site Visit sa Silonay Mangrove Conservation and Eco-park na isa sa ipinagmamalaking Marine Protected Area ng Calapan City.

Matapos ang kanilang lakbay-aral ay pinili ng grupo na mananghalian sa Infinity Farm na matatagpuan sa Bayan ng Baco, na pagmamay-ari naman ng pamilya ni City Mayor Morillo.

Dito ay malugod na binati ni Mayor Malou ang mga bisita kasabay ng pagpapaabot ng pasasalamat sa inisyatiba ng Peace Corps na maging katuwang ng mga Lokal na Pamahalaan sa pangangalaga ng ating kalikasan.

Sina Calapan City Fisheries Management Officer Robin Clement Villas, kasama si Mr. Clark Ross Bautista ng Fisheries Management Office ay kasama din ng grupo ng Peace Corps sa naturang pagsasanay upang magkaroon ng karagdagang kaalaman upang mas higit pang mapangalagaan at mapaganda ang mga MPA sa Lungsod ng Calapan.