Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the wp-expand-tabs-free domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6114
PCIC ASF CHECK DISTRIBUTION – Calapan City Official Website

PCIC ASF CHECK DISTRIBUTION

Ika-28 ng Hunyo, pinangunahan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang pamamahagi ng mga tseke mula sa

Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para sa mga hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa lungsod ng Calapan. Kasama ni Mayor Morillo sa naturang okasyon si City Councilor, Atty. Jel Magsuci, na patuloy na nagbibigay ng mga programa para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Calapan.

Bukod sa mga hog raisers, nabigyan din ng tulong ang mga magsasakang nasalanta ang kanilang mga pananim. Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga magsasaka at livestock growers sa pagbangon mula sa mga kalamidad.

Nagpaabot ng pasasalamat si Mayor Morillo kay PCIC Underwriter for 1st District, Ms. Ruelita Nilo, sa patuloy na pakikipag-ugnayan at suporta sa lokal na pamahalaan. Ang kooperasyon at dedikasyon ni Ms. Nilo at ng PCIC ay mahalaga upang maipagpatuloy ang pagbibigay ng mga kinakailangang serbisyo para sa sektor ng agrikultura sa Calapan.

Ang pamamahagi ng tulong na ito ay patunay ng Serbisyong TAMA na hatid ng administrasyong Morillo, na laging handang sumuporta sa mga mamamayan ng Calapan. Sa pamamagitan ng kanilang mga programa at inisyatibo, patuloy nilang pinapakita ang tunay na malasakit at dedikasyon sa ikabubuti ng lungsod.