Martes, ika 22 ng Nobyembre pormal na sinimulan ang 2-day Pawikan Conservation Training ng Fisheries Management Office sa pamamahala ni CA Atty. Reymund Al F. Ussam na ginanap sa El Pueblo Rhizort.
Kakulangan ng teknikal na kaalaman at kakayahan pagdating sa epektibong pagsasagawa ng pawikan conservation – ito ang dahilan kung bakit binigyang daan ni CA Atty. Ussam, Mr. Orlan Maliwanag – Program Director, Green City of Calapan at Mr. Robin Villas – Program Administrator TAMA Program ang pagsasagawa ng naturang pagsasanay na ito.
Hindi lingid sa kaalaman ng lahat, na layon ng Administrasyong Morillo-Ignacio ang pagiging Luntiang Lungsod ng Calapan. Kaya naman gayun na lamang ang init ng suporta ni Calapan City Mayor Malou Flores Morillo sa mga aktibidad at gawain na naka-angkla sa pagpapaunlad at pangangalaga ng kapaligiran at kalikasan ng Calapan, maging ano at saang aspeto man. “Sa pangangalaga ng mga pawikan, buong ekolohiya ng karagatan ang binibigyang halaga at pinangangalagaan”.
Sa datus, ang lungsod ng Calapan ay mayroong 3 turtle species: Olive Ridley, Hawksbill, at Green Turtle. Samantala, ilan sa mga identified na Nesting & Hatching Sites ng pawikan sa lungsod ay ang mga barangay ng Suqui, Lazareto, Parang, Maidlang at Navotas.
Ang 2-day Pawikan Conservation Training ay lalahukan ng mga Bantay Dagat ng lungsod, Community Coordinators at Coast Guard. Pangungunahan naman ni Mr. Bonifacio Tobias – MPA Manager Blue Alliance at Mr. Renato Borja – Biodiversity Management Bureau ang talakayan sa naturang pagsasanay. Naroroon at nagpakita din ng suporta si Konsehal Genie Fortu – Committee on Fisheries Chairperson at buong tanggap ng Fisheries Management Office.









