Mapalad ang PAmayanan ng WAwa para sa MAngingisda (PAWAMA), sapagkat sila ay naging benepisyaryo ng isang motorized banca mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program o DILP. Personal na dinaluhan ang nasabing turnover nina Mr. Roderick F. Tamacay – Provincial Office Head DOLE OrMin, Mr. Ramezes Torres – Senior LEO DOLE OrMin, Mr. Osmando Olit – PAWAMA President, City PESO sa pamamahala ni Dr. Eder Apolinar M Redublo at ng Ina ng Lungsod Mayor Malou Flores-Morillo, kasama si Rev. Fr. Thomas Priela Parish Priest Divine Mercy Chaplaincy na sya namang nagbasbas sa nasabing bangka. Samantala, sa nasabing turnover, nagpahatid ng wagas na pasasalamat si Mayor Malou sa DOLE sa aniya ay pagiging katuwang ng Pamahalaang Lungsod sa pagsisikap na maging matiwasay ang pamumuhay ng mga mamamayan ng Calapan.