1,200 new passport/renewal ang natulungang maiproseso sa ‘Passport on Wheels’ bilang kabutihang loob ni City Mayor Malou Flores-Morillo para sa mga Calapeño sa pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs (Manila and Batangas).
Pinangasiwaan ito ng City Public Employment Service Office katulong ang iba pa opisina ng Pamahalaang Lungsod gaya ng Serbisyong TAMA Center at MIS.
Sa mandato ni Mayor Morillo ay sinikap na maabot ang lahat ng barangay sa buong lungsod upang mabigyan ng pantay na oportunidad ang Taumbayan sa programa.
Bago pa man ang mismong araw ng pagproseso ng mga pasaporte, Setyembre 29 hanggang Oktubre 13 ay pinangasiwaan ng mga konsernadong opisina ang pag-asiste sa mga aplikante na isinagawa sa New at Old City Hall. Dito ay inalam ang ibat-ibang pangangailangan at kakulangan sa rekisitos gaya ng valid ID at PSA Birth Certificate.
Sa mga bagay na ito ay sinikap ng mga nakatalagang kawani na matugunan ang pangangailangan ng mga aplikante sa pakikipag-ugnayan nito sa mga ahensyang dapat lapitan tulad ng Philippine Statistics Office.
Tinulungan din ang mga may problema sa kanilang lumang pasaporte gaya ng loss passport at nasirang pasaporte.
Dahil ginawang One-Stop Shop ay may nagaasikaso ng pagbabayad para sa passport, processing fee at courier payment na higit na nagpaalwan sa mga aplikante.
Samantala, binigyang prayoridad ang mga Calapeñong posibleng mapasama sa Job Opportunities Abroad sa South Korea na programa rin Mayor Marillo.
Sa loob ng dalawang magkasunod na araw (Oktubre 17-18) sa City Mall, Barangay Ilaya, Calapan City ay pinangunahan ng DFA ang passport processing ng Isanglibo’t Dalawang Daan na Calapeño.
Ang mga personnel mula sa Calapan Public Safety Department at Calapan City Police Station ay nakaantabay sa loob at labas ng pinagdarausan para sa seguridad at mabilis na pagtugon sa posibilidad ng aksidente o insidente.







