Personal na bumisita si Mayor Malou Flores-Morillo upang makita ang sitwasyon sa City Mall Calapan kung saan nagaganap ang Passport on Wheels nitong ika-18 ng Oktubre.
Sa kaniyang pagbisita ay kinamusta niya ang mga namamayang matiyagang pumila upang maproseso ang kanilang mga pasaporte.
Pinasalamatan naman niya ang mga kawani ng Department of Foreign Affairs sa kanilang pangunguna sa passport processing at ang mga departamento/opisina na tumulong upang maging maayos ang daloy ng pagpoproseso.
Ipinabatid din ng Punong Alkalde na makikipag-ugnayan siyang muli sa DFA upang magkaroon ulit ng Passport on Wheels sa lungsod para naman sa mga hindi nakaabot sa quota.






