KUDOS! Isang plake ang iginawad kamakailan ng DOH Center for Health Development MIMAROPA kay Dr. Teresita Nieva Bolor, Calapan City Population and Development Officer – Designate, sa ilalim ng Pamahalaang Lungsod — bilang pagkilala sa patuloy niyang pagpapakita ng malalim at malawak na dedikasyon at walang sawang pagpapatupad ng mga makabuluhang Adolescent Health and Development Program sa buong kalungsuran. Ang kanyang pagsusumikap na magpahatid ng TAMAng pagtutok at programa para sa kabataan ay tunay na hindi matatawaran. Kalakip din ng naturang plake ay isang sertipiko ng pagkilala at pasasalamat sa lahat ng ipinakita at ipinamalas ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni Mayor Malou Flores-Morillo upang magabayan, ma-proteksyonan, at mabigyan ng TAMAng atensyon ang kabataan ng Calapan. TAMAng hakbang para sa mga kabataan ng Calapan!