Isang pagpupulong ang muling pinangunahan ni 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, Sabado, ika-18 ng Marso kasama ang lahat ng konsernadong indibidwal, opisina, ahensya at mga tanggapan.

Dumaloy ang pagpupulong sa talakayan at paglalatag ng mga agarang hakbang at tugon sa hinaharap na suliranin ngayon ng lungsod — ang oil spill, mula sa lumubog na MT Princess Empress Tanker noong February 28.

Ayon kay CG Commo Geronimo Tuvilla ng Philippine Coast Guard, mainam kung magkakaroon ang Calapan ng initiative sa paggagawa ng indigineous spill booms. Sa kasalukuyan din aniya ay nakapag-deploy ng kinakailangang mga tao at spill booms sa mga barangay ng 𝗦𝗶𝗹𝗼𝗻𝗮𝘆, 𝗜𝗯𝗮𝗯𝗮 𝗪𝗲𝘀𝘁 at 𝗠𝗮𝗶𝗱𝗹𝗮𝗻𝗴.

Nabatid rin mula kay CMDR Tuvilla na darating sa Lunes (March 20) ang isang 𝑹𝑶𝑽 (𝑹𝒆𝒎𝒐𝒕𝒆 𝑶𝒑𝒆𝒓𝒂𝒕𝒆𝒅 𝑽𝒆𝒉𝒊𝒄𝒍𝒆) upang makatulong sa operasyon sa paghahanap sa lumubog na tanker na tinatayang nasa 400 meters ang lalim. Kasama ng darating na ROV ay ilang Japanese Personnel na makatutulong din sa nasabing operasyon.

Samantala, nakapag-install na ng mga oil spill boom ang 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 at PCG sa ilog ng Silonay upang maprotektahan ang 𝗦𝗶𝗹𝗼𝗻𝗮𝘆 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗿𝗼𝘃𝗲 𝗘𝗰𝗼 𝗣𝗮𝗿𝗸 na kinilala bilang 𝑶𝒏𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑩𝒆𝒔𝒕 𝑴𝒂𝒏𝒈𝒓𝒐𝒗𝒆 𝑨𝒓𝒆𝒂 sa Pilipinas, sakaling makarating sa baybaying ito ang oil spill.

Gayundin, napag-alamang nakapaglatag na ng mga oil spill boom ang FMO at PCG katuwang ang ilang residente at mangingisda ng Ibaba East at West sa bukana ng Calapan River.

Kasalukuyan naman ang pagbabayanihan ng mga residente ng 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗮𝗹𝗮𝗻 at 𝗪𝗮𝘄𝗮 sa pag gagawa ng improvised spill boom na kanilang mai-install sa tamang hudyat na ibibigay sa kanila.

Makaaasa ang lahat, na sa suliranin at pagsubok na dala ng oil spill, hindi magpapabaya ang pamahalaang lungsod at patuloy na magbabalangkas ng mga nararapat at TAMAng hakbang at paraan para maging ligtas ang taumbayan at ang buong kapaligiran ng Calapan.