PANEL INTERVIEW FOR CGC “BRIDGE TO THE FUTURE COLLEGE SCHOLARSHIP PROGRAM

“Sa kabila ng kanyang abalang iskedyul, noong ika-2 ng Hulyo ay hindi pinalampas ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang

pagkakataong makaharap ang mga kabataang nagnanais maging iskolar ng lungsod sa isinagawang panel interview para sa CGC “Bridge to the Future College Scholarship Program.” Ginaganap ito sa CGC Executive Conference Room mula Hulyo 2 at magtatapos sa ika-5 ng Hulyo 2024.
Personal na hinarap ni Mayor Morillo ang mga estudyante upang pasalamatan ang kanilang pagsisikap na makatapos ng pag-aaral. Sa kanyang mensahe, hinikayat niya ang mga mag-aaral na mag-focus sa kanilang pag-aaral at ipagpatuloy ang kanilang dedikasyon sa kabila ng mga hamon.
Pinangunahan ng City Education Department sa pamumuno ni Ms. Myriam Lorraine D. Olalia ang nasabing panel interview. Ang programa ay naglalayong magbigay ng oportunidad sa mga kabataan na makamit ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng de-kalidad na edukasyon. Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa edukasyon at pag-unlad ng kabataan.
Ang dedikasyon ni Mayor Morillo at ng buong City Education Department ay nagsilbing inspirasyon sa mga estudyante na patuloy na mangarap at magsikap tungo sa isang maliwanag na kinabukasan.