Dahil sa masinop at episyenteng pamamahala sa pananalapi ng Pamahalaang Lungsod, pasado ang City Government of Calapan ng 𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲𝗸𝗲𝗲𝗽𝗶𝗻𝗴 mula sa 𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 𝗼𝗳 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝘃𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻, kamakailan.

Kinilala ang City Government dahil na rin sa ipinakita nitong pagsusumikap na mapanatiling mahusay ang financial transparency at accountability sa pamamalakad at pamamahala sa pananalapi ng lungsod.

Ang Good Financial Housekeeping ay bahagi ng 𝑺𝒆𝒂𝒍 𝒐𝒇 𝑮𝒐𝒐𝒅 𝑳𝒐𝒄𝒂𝒍 𝑮𝒐𝒗𝒆𝒓𝒏𝒂𝒏𝒄𝒆 na dating kilala bilang 𝑺𝒆𝒂𝒍 𝒐𝒇 𝑮𝒐𝒐𝒅 𝑯𝒐𝒖𝒔𝒆𝒌𝒆𝒆𝒑𝒊𝒏𝒈 na pinasimulan ng 𝗗𝗜𝗟𝗚: 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗶𝗼𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 taong 2010.

𝑪𝒐𝒏𝒈𝒓𝒂𝒕𝒖𝒍𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔 𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏, 𝑺𝒊𝒍𝒂𝒏𝒈𝒂𝒏𝒈 𝑴𝒊𝒏𝒅𝒐𝒓𝒐!