PAMAHALAANG LUNGSOD NG CALAPAN, NAMAHAGI NG TRAINING ALLOWANCE PARA SA MGA ATLETANG CALAPEÑO NA KALAHOK SA PALARONG PAMBANSA

Namahagi ng Training Allowance ang pamahalaan ng Calapan para sa 26 na manlalaro

na lalahok sa Palarong Pambansa, ika-28 ng Hunyo. Pinangunahan ni City Mayor Marilou Flores-Morillo ang seremonya, na naglalayong suportahan ang mga kabataang atleta na nagdadala ng karangalan sa lungsod.

Ang pamahalaang lungsod ay patuloy na nagpapakita ng dedikasyon sa pagpapalakas ng sektor ng isports at sa paghubog ng mga bagong henerasyon ng atleta. Sa pamamagitan ng kanilang suporta,inaasahang magbibigay ng pinakamahusay na pagtatanghal ang mga manlalaro, bitbit ang karangalan ng Calapan.