Pagpupunyagi sa mga tagumpay ng pamahalaang lungsod ng Calapan

Ika-6 ng Nobyembre, matapos ang Flag Raising Ceremony, masayang ibinahagi ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ang mga parangal na nakamit ng Lungsod ng Calapan.

Isa na dito ang matagumpay na pangunguna ng Calapan sa ginanap na 𝗗𝗧𝗜 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗖𝗿𝗲𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗖𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟯 bilang 𝗠𝗼𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗼𝗻𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗶𝗻 𝗥𝗲𝘀𝗶𝗹𝗶𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗣𝗶𝗹𝗹𝗮𝗿, 𝗧𝗼𝗽 𝟰 sa 𝗜𝗻𝗳𝗿𝗮𝘀𝘁𝗿𝘂𝗰𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗣𝗶𝗹𝗹𝗮𝗿, at 𝗢𝘃𝗲𝗿𝗮𝗹𝗹 𝗧𝗼𝗽 𝟰 𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗼𝘀𝘁 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗼𝗻𝗲𝗻𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 sa buong Pilipinas. Dahil dito binigyang-pagkilala ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗜𝗻𝗱𝘂𝘀𝘁𝗿𝘆 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, pinamumunuan ni 𝗘𝗻𝗣. 𝗔𝗺𝗼𝗿𝗺𝗶𝗼 𝗖𝗝𝗦 𝗕𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, na silang nasa likod ng tagumpay na ito.

Sa pamamagitan naman ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 – 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 na pinangungunahan ni 𝗗𝗿. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗠. 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼 at 𝗠𝘀. 𝗚𝗹𝗲𝗻𝗱𝗮 𝗥. 𝗥𝗮𝗾𝘂𝗲𝗽𝗼 ay muling iginawad sa Calapan ang 𝗚𝗿𝗲𝗲𝗻 𝗕𝗮𝗻𝗻𝗲𝗿 𝗦𝗲𝗮𝗹 𝗼𝗳 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲 sa ginanap na 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗡𝘂𝘁𝗿𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗿𝗲𝗺𝗼𝗻𝘆 (𝗥𝗡𝗔𝗖).

Samantala, kinilala si 𝗠𝘀. 𝗡𝗼𝗲𝗺𝗶 𝗝𝗮𝘃𝗶𝗲𝗿 ng 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 sa kaniyang talino’t husay matapos niyang maipasa ang 𝑺𝒐𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑾𝒐𝒓𝒌𝒆𝒓 𝑳𝒊𝒄𝒆𝒏𝒔𝒖𝒓𝒆 𝑬𝒙𝒂𝒎𝒊𝒏𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 na ginanap noong August 2023.