Dinaluhan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, kasama si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿, Atty Jel Magsuci ang isinagawang pagpupulong ng mga magsasaka na nilahukan ng mga Presidente ng bawat Farmers Association ng iba’t ibang barangay sa Lungsod na bumubuo sa 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗙𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗙𝗮𝗿𝗺𝗲𝗿𝘀 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, ginanap sa Barangay Personas, Covered Court, nitong ika-4 ng Oktubre.
Kaisa sa naturang gawaing ito si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗴𝗿𝗶𝗰𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗶𝘀𝘁 𝗠𝘀. 𝗟𝗼𝗿𝗲𝗹𝗲𝗶𝗻 𝗩. 𝗦𝗲𝘃𝗶𝗹𝗹𝗮, kasama ang ilan sa mga kawani ng 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗙𝗼𝗼𝗱 𝗔𝘂𝘁𝗵𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 (𝗡𝗙𝗔) 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 sa pangunguna ni 𝗠𝗿. 𝗥𝗲𝘆𝗻𝗮𝗹𝗱𝗲 𝗔. 𝗕𝗮𝗻𝗱𝗼𝗹𝗮 (𝗔𝗰𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝘁 𝗕𝗿𝗮𝗻𝗰𝗵 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿).
Nakipag-usap at nakipag-ugnayan ang NFA sa mga magsasaka, para sa layuning hikayatin sila na makapagsulong ng palay sa kanilang opisina.
Matatandaan na nagkaroon ng “𝗠𝗲𝗺𝗼𝗿𝗮𝗻𝗱𝘂𝗺 𝗼𝗳 𝗔𝗴𝗿𝗲𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗦𝗶𝗴𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗳𝗼𝗿 𝗣𝗮𝗹𝗮𝘆 𝗠𝗮𝗿𝗸𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗳𝗼𝗿 𝗟𝗲𝗴𝗶𝘀𝗹𝗮𝘁𝗼𝗿𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗨𝗻𝗶𝘁𝘀 (𝗣𝗔𝗟𝗟𝗚𝗨)”, sa pagitan ng City Government of Calapan at National Food Authority.
Nakasaad sa nasabing kasunduan na magbibigay ang Pamahalaang Lungsod ng karagdagang 𝗣𝟮.𝟬𝟬 𝗽𝗲𝗿 𝗸𝗶𝗹𝗼 ng palay on top of the existing government support price na 𝗣𝟭𝟵.𝟬𝟬 𝗽𝗲𝗿 𝗸𝗶𝗹𝗼 na ibebenta ng mga magsasaka sa NFA, kaya naman ang Pamahalaang Lungsod ay naglaan at nagbigay ng P2 milyon, bilang karagdagang pondo para sa programang ito, para sa isang milyong kilo ng mabibiling palay para sa dry and wet cropping season.
Gayundin, may karagdagan din itong 𝗣𝟰.𝟬𝟬 𝗶𝗻𝗰𝗲𝗻𝘁𝗶𝘃𝗲 na mula naman sa nasyunal, kaya’t ang dating P19.00 per kilo ng palay ay magiging 𝗣𝟮𝟱.𝟬𝟬 𝗽𝗲𝗿 𝗸𝗶𝗹𝗼, na siyang akmang nakatutugon sa layuning matulungan ang mga magsasaka ng palay sa pagbebenta ng kanilang ani sa mas mataas na presyo at matulungan din ang gobyerno.