𝗟𝗶𝗻𝗴𝗸𝗼𝗱 𝗟𝗚𝗕𝗧𝗤𝗜𝗔+ 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 (Lilac Calapan) nagkaroon ng pagpupulong sa ilalim ng pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa pangunguna ng 𝗘𝘅𝗲𝗰𝘂𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗠𝗶𝗴𝗿𝗮𝗻𝘁 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀, 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 ng 𝗢𝘃𝗲𝗿𝘀𝗲𝗮𝘀 𝗪𝗼𝗿𝗸𝗲𝗿𝘀 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 at LGBT Pilipinas Party-list 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 na si 𝗗𝗶𝗿. 𝗚𝗲𝗿𝗮𝗹𝗱 “𝗗𝗶𝗻𝗱𝗶” 𝗠. 𝗧𝗮𝗻 kasama ang 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗧𝗵𝗲 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 𝗼𝗳 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀 𝗼𝗳 𝗟𝗜𝗟𝗔𝗖 na si 𝗝𝗼𝘀𝗵 𝗕𝗮𝗿𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗼𝘀 kabilang ang mga 𝗙𝗼𝘂𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗘𝘅𝗲𝗰𝘂𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗦𝘁𝗮𝗳𝗳 ng organisasyon nitong Sabado, ika-11 ng Pebrero 2023.
Nagkaroon sila ng seryosong pagtalakay tungkol sa ilang mga mahahalagang isyu na patuloy na nagaganap sa kasalukuyan. Hindi maitatangging mayroong naging malaking ambag ang samahan ng LGBTQIA+ sa lipunan kaya naman nais bigyang daan ng organisasyon ang epektibong serbisyong pampubliko para sa mga mamamayan at LGBTQ+ Community.
Kaugnay nito, pinakinggan at binigyang pansin ng suportadong Ina ng Lungsod ang kanilang pulso kaugnay sa kanilang mga ibinahaging ideya at pamamaraan na konektado sa kanilang pananaw at mithiin na makapagdudulot ng pagbabago at makapagbibigay solusyon sa kasalukuyang hamon na kinahaharap ng lipunan.



