Nagpatawag ng pagpupulong si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa mga Contractors kasama ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗻𝗴𝗶𝗻𝗲𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 at 𝗕𝗶𝗱𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 sa Pamahalaang Lungsod ng Calapan, ika-12 ng Mayo.
Dito ay tinalakay nina 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝗻𝗴𝗶𝗻𝗲𝗲𝗿 𝗕𝗲𝗻𝗷𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗔𝗰𝗲𝗱𝗲𝗿𝗮 at 𝗕𝗶𝗱𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗮𝗿𝗶𝗮𝘁/𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗘𝗻𝗣. 𝗟𝗲𝗮 𝗖𝗮𝗿𝗽𝗶𝗼 ang mga mahahalagang requirements upang maging maayos at mabilis ang pagdaloy ng mga papeles.
Naging bukas naman si Mayor Morillo sa mga hinaing at inilapit na suliraning kinakaharap nila sa konstruksyon ng mga pasilidad.
Paalala sa kanila ni Mayor Morillo, siguraduhin na nasa maayos ang mga gawain nang sa gayon ay maiwasan ang pagtagal ng mga papeles at pagpapatayo ng mga pasilidad.














