Notice: Function _load_textdomain_just_in_time was called incorrectly. Translation loading for the wp-expand-tabs-free domain was triggered too early. This is usually an indicator for some code in the plugin or theme running too early. Translations should be loaded at the init action or later. Please see Debugging in WordPress for more information. (This message was added in version 6.7.0.) in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-includes\functions.php on line 6114
Pagpupugay sa mga tagumpay ng Calapeño! – Calapan City Official Website

Pagpupugay sa mga tagumpay ng Calapeño!

Pinagmalaki ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan ang mga Calapeño na nagkamit ng tagumpay sa kani-kanilang propesyon at maging sa international sports competition, ika-25 ng Setyembre.

Kinilala sa pagpapaunlad ng kaniyang propesyon si 𝗗𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗻𝗲𝗹 𝗕. 𝗦𝘂𝗽𝗻𝗲𝘁 — 𝑫𝒆𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝑰𝒏𝒔𝒕𝒊𝒕𝒖𝒕𝒆 𝒐𝒇 𝑯𝒐𝒔𝒑𝒊𝒕𝒂𝒍𝒊𝒕𝒚 𝒂𝒏𝒅 𝑻𝒐𝒖𝒓𝒊𝒔𝒎 𝑴𝒂𝒏𝒂𝒈𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕 ng 𝑪𝒊𝒕𝒚 𝑪𝒐𝒍𝒍𝒆𝒈𝒆 𝒐𝒇 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏, na kamakailan lamang ay nakapagtapos ng 𝗗𝗼𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗼𝗳 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗼𝘀𝗼𝗽𝗵𝘆 𝗶𝗻 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 sa 𝗨𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗶𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝗕𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀.

Gayundin, 𝟲𝟰.𝟮𝟵% ang naging passing rate ng City College of Calapan sa naganap na 𝗟𝗶𝗰𝗲𝗻𝘀𝘂𝗿𝗲 𝗘𝘅𝗮𝗺𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝗟𝗶𝗯𝗿𝗮𝗿𝗶𝗮𝗻𝘀 noong Setyembre 2022 kung saan 𝟭𝟴 City Collegians ang nakapasa at ganap nang Registered Librarians.

Sa larangan ng sports, wagi sa iba’t ibang kategorya ng 𝟮𝟰𝘁𝗵 𝗕𝗲𝘀𝘁 𝗼𝗳 𝗛𝗼𝗻𝗴 𝗞𝗼𝗻𝗴 𝗢𝗽𝗲𝗻 𝗗𝗮𝗻𝗰𝗲𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻𝘀𝗵𝗶𝗽𝘀 sina 𝗣𝗲𝘁𝗲𝗿 𝗔𝗸𝗵𝗶𝗺 𝗠. 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗮𝗹𝗲𝘀 at 𝗠𝗮. 𝗞𝗮𝘀𝘀𝗲𝗹 𝗖. 𝗖𝗮𝘀𝘁𝗶𝗹𝗹𝗼. Narito ang mga parangal na nakamit ng dalawa:

𝗣𝗲𝘁𝗲𝗿 𝗔𝗸𝗵𝗶𝗺 𝗠. 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗮𝗹𝗲𝘀

Champion – Pre-Amateur Latin

2nd Place – Latin Amateur Rising Star

4th Place – Open-Amateur Latin

𝗠𝗮. 𝗞𝗮𝘀𝘀𝗲𝗹 𝗖. 𝗖𝗮𝘀𝘁𝗶𝗹𝗹𝗼

Champion – Pre-Amateur Latin

2nd Place – Latin Amateur Rising Star

4th Place – Open-Amateur Latin

4th Place – 14U Freestyle Jive, Samba, Rumba, Pasa Doble

5th Place – 14U Freestyle Chacha

6th Place – 16U Freestyle Samba

7th Place – 16U Freestyle Rumba

8th Place – 16U Freestyle Chacha

Tunay na kamangha-mangha ang mga galing, talino, at talento ng mga Calapeño, kaya naman pagbati sa lahat na nagwagi at patuloy na nagsusumikap para sa mga pangarap.