Isa ang Calapan City sa mga nakakuha ng 𝑭𝒖𝒏𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏𝒂𝒍 𝑹𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 para sa taong 2022, sa isinagawang 𝗣𝗲𝗮𝗰𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗢𝗿𝗱𝗲𝗿 𝗣𝗲𝗿𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗔𝘂𝗱𝗶𝘁 ng 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗶𝗼𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗼𝗰𝗮𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗜𝗟𝗚).
Ito ay malinaw na bunga ng higit pa sa sapat at TAMAng paglilingkod sa taumbayan ng ating 𝗖𝗣𝗢𝗖, sa pangunguna ng Ina ng Lungsod ng Calapan, 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 — Kung kapayapaan, katiwasayan at kaayusang pangkalahatan ng lungsod ang pag-uusapan.
Isa sa mga naging highlight ng pagkakakuha ng magandang marka ng lungsod sa nasabing performance audit, ay resulta ng datos mula Calapan CPS, na nagpapakita na mula sa 𝟲𝟮 barangay ng lungsod, nasa 𝟱𝟯 na ang kabuuang bilang ng 𝒅𝒓𝒖𝒈 𝒄𝒍𝒆𝒂𝒓𝒆𝒅 𝒃𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚, dalawa (2) ang drug free, at ang natitirang pito (7) ay kasalukuyang na ring nasa masinop at masusing proseso.
Pagpapatunay lamang ito na epektibo at matatag ang mga ipinatutupad na programang pangkapayapaan at seguridad ng mga mamamayan, ng ating lokal na pamahalaan.