Pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pangingisda

Isang mahalagang pagpupulong po ang aming isinagawa sa Calapan City Agricultural Demonstration Center, Brgy. Biga,

kasama ang Calapan City Agriculture and Fishery Council (CAFC), na pinangunahan ni CAFC Chairman, Mr. Gio Earl C. Laguerta. Nakasama ko din po dito si CASD Focal Person, Engr. Jasper B. Adriatico, na nagbahagi ng kanilang mga pananaw at rekomendasyon para sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pangingisda sa ating lungsod.

Tinalakay po natin ang mga pangunahing usapin na may kinalaman sa kanilang mga pangangailangan dahil nais po nating mas palakasin pa ang ugnayan ng lokal na pamahalaan at ng sektor ng agrikultura at pangingisda upang masigurong makakamtan ang mas maunlad at masaganang kabuhayan para sa bawat isa.