Ipinakita ni City Mayor Malou Flores-Morillo ang kanyang pagsuporta sa librong akda ni Fr. Michael Layugan, SVD na may pamagat na ‘ WILHELM FINNEMANN- an SVD Filipino Martyr sa pamamagitan ng kanyang pagdalo sa paglulunsad nito, ginanap sa DWCC Basic Education Gymnasium, Enero 12. Sa nasabing okasyon ay ipinahayag ni Mayor Morillo ang kanyang lubos na paghanga sa matalinong pag-akda ng librong nagbibigay-pugay sa kabayanihan at masidhing pagmamahal ni Bishop Wilhelm Finnemann para sa mga Calapeño. “Many of us are gifted with talents and skills but not all of us are aware of our capability to influence and inspire others”. “Communication build relationship and our relationship with people enable us to touch their lives and lead them to goodness”- – City Mayor Morillo.
Para sa kanya ang paglulunsad ng librong akda ni Fr. Michael Layugan ay magiging bahagi na buhay ng mga Calapeño. Magsisilbi itong inspirasyon na minsan sa ating kasaysayan ay may isang Filipino Martyr sa katauhan ni Bishop Wilhelm Finnemann,SVD (1936-1942) na nagsakripisyo para sa kapakanan ng mga taga-Calapan sa kanyang kapanahunan.
Bilang isa sa kauna-unahang nakapagtapos sa Divine Word College of Calapan noong 1980 ay buong pagmamalaki na ipinahayag ni Mayor Malou na siya ay ‘Proud Divinista’, kung kaya naman isa umanong karangalan para sa kanya na maging kabahagi sa makasaysayang paglulunsad ng librong bunga ng mahabang pananaliksik at panulat ng isang Paring SVD. Si Fr. Michael Layugan, SVD, PhD, SThD ay tubing Taloctoc, Tanudan Kalinga.
Siya ay naging ganap na Pari noong 1999 at miyembro ng Society of the Divine Word. Nagtapos siya ng Master’s Degree in Theology Major in Missiology, Licentiate in Ecclesiastical History at may dalawang Doctorate Degree mula sa Katholieke Universiteit Leuven in Belgium. Maliban sa kanyang kasalukuyang posisyon bilang Dean at Registrar of the Divine Word School of Theology, siya rin ay Vice Provincial of the SVD Philippine Central Province at Archivist of the Provincialate Archives.
Maliban sa pagiging author ng kalulunsad na libro siya rin ay nakapag-akda ng marami pang mga aklat at ilan dito ang ‘Fundamentals of Writing: Research Papers, Theses and Dissertations (2021) at Women as Trailblazers in Mission: A Narrative History of the Oblates of Notre Dame as Religious Missionaries (2017) at iba pa. Sa ‘Book Unveiling Ceremony na pinakatampok sa okasyon, maliban kay City Mayor Malou Flores-Morillo ay naging kabahagi din ni Fr. Layugan ang ilan sa mataas na opisyal ng lalawigan tulad nina Oriental Mindoro 1st District Congressman Arnan Panaligan at Governor Humerlito Dolor .
Dumalo din nasabing book launching ang iba pang Pari gaya nina Fr. Hubertus Guru, SVD-VPAA,DWCC, Fr. Renato Malbog, SVD- District Superior, Fr. Jimson Ruga- Chancellor/ Vice Rector and Dean- St. Agustine Seminary, Fr. Jerome Marquez, SVD- PHC Provincial Superior at Fr. Crispin Cordero, SVD- DWCC President. May mga DWCC students, staff at government employees din ang nakiisa sa gawain. Samantala, ipinahayag ni Mayor Malou na kanyang bibigayan ng kopya ng librong ‘Wilhelm Finnemann- An SVD Filipino Martyr’ ang City Library pati na ang 62 Barangay sa buong Calapan City (Junard Acapulco/CIO).




