Inulan ng biyaya ang residente ng Brgy. Lumangbayan, gayundin ang ilang karatig-barangay nito, ng ibaba sa kanila
ang Serbisyong TAMA para sa Barangay Caravan, ika-24 ng Hunyo.
Upang lubos na makapaghatid ng kaalwanan sa buhay ng taumbayan, patuloy ang pagsasagawa ng Pamahalaang Lungsod sa pamamagitan ni Calapan City Mayor Marilou Flores-Morillo ng Barangay Caravan — na layong ilapit ang iba’t ibang serbisyo publiko sa mga Calapeño.
Naging lubos naman ang pasasalamat ng mga naturang residente sa iba’t-ibang indibidwal, departamento at opisina ng Pamahalaang Lungsod, gayundin sa iba pang tanggapan at ilan ding National Agencies, na naging dahilan kung bakit naging matagumpay ang nasabing aktibidad.
BASTA KAY MAYOR MORILLO — DEKALIDAD NA SERBISYO PUBLIKO, MAAASAHAN MO!
Sa kaugnay na balita, matapos ang matagumpay na pagbababa ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng Barangay Caravan, nagsagawa rin ang Pamahalaang Lungsod ng Sectoral Consultation sa pagitan ng Punong Barangay at Sangguniang Barangay Member ng Lumangbayan na pinangunahan pa rin ng Ina ng Lungsod, ilang department heads, program managers at office heads.