Rain or shine, tunay na walang makapipigil sa mga deboto ng Mahal na Patrong si Sto. Niño.

Patunay dito ang pagdagsa at pakikiisa ng maraming Calapeño sa isinagawang Sto. Niño de Calapan Street Dancing, huling araw ng Disyembre taong kasalukuyan.

Gaya ng nakagawian, matapos mailabas at maiikot ang Mahal na Patron sa buong kalungsuran para sa patuloy nitong pagbibigay proteksyon, pagpapala at gabay sa atin, agad itong pinasundan ng Sto. Niño de Calapan Street Dancing na nilahukan ng napakaraming debotong Calapeño, mapa-bata o matanda man.

Sa muling pag-ikot ng Mahal na Patron, masigabo at buong galak na umantabay ang madaming Calapeño sa pagdaan ng Mahal na Sto. Niño.

Kalakip ang taimtim na panalangin – para sa patuloy na habag at pag-iingat Niya, masiglang nagsipag-indak ang mga deboto ni Sto. Niño sa isinagawang Street Dancing.

Sa lungsod ng Calapan, ang pagbibigay parangal, papuri at pagdiriwang ng Kapistahan ng Mahal na Patrong Sto. Niño ay maituturing na isa sa mga event tourism na inaabangan ng buong lalawigan.