Sa ikalawang pagkakataon ay muling nagpatawag ng emergency meeting si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa mga hepe ng konsernadong departmento sa City Hall at Ilan pang mga kabalikat na ahensya nasyunal upang dito ay alamin ang pinakabagong kaganapan at resulta ng ginagawang pagpapalano upang paghandaan ang posibilidad sa epekto ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress na kargado ang 800,000 litro ng industrial fuel.
Bagamat sinasabi sa ulat ng mga awtoridad na sa kasalukuyan ay wala pang palatandaan ng oil spill sa katubigang sakop ng Calapan City ay patuloy na hinihingi ni Mayor Malou ang pagsuporta ng lahat sa ginagawang alternative 𝒐𝒊𝒍 𝒔𝒑𝒊𝒍𝒍 𝒃𝒐𝒐𝒎.
Inalam rin niya ang kahandaan ng lungsod upang alalayan sa kakailanganing ayuda ng mga maapektuhan partikular sa hanay ng mga mangisngisda sa 𝟮𝟯 𝗰𝗼𝗮𝘀𝘁𝗮𝗹 𝗯𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆𝘀.
Upang tiyaking maayos na naisasakatuparan ang ginagawang paghahanda ng oil spill booms, matapos ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan rin ni Mayor Malou ang pagbisita sa lugar kung saan pinagtutulungang buuin ang mga oil spill boom sa 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗡𝗮𝘃𝗼𝘁𝗮𝘀, 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆.
Dito ay dinatnan pa ni Mayor Malou habang ang mga mangingisda at kanilang maybahay ay nagbabayanihan sa pagsasako ng mga dayami at plastic bottles upang gawing alternatibong oil spill booms sa tulong ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲.
Sa loob ng tatlong araw ay nasa halos 𝟯𝟬𝟬 metro na ang haba ng nabuong oil spill boom. Sa pakikipagpulong ni Mayor Morillo sa mga residente ng Navotas sa pamumuno ni Barangay Chairman Lauro Escarez ay pinasalamatan niya ang pagtugon ng mga ito sa panawagan ng Pamahalaang Lungsod ng pakikiisa sa paghahanda sa posibleng maging epekto ng oil spill.
Aniya pa, ipagpatuloy lang ng mga residente ang paggawa ng oil spill boom sapagkat ito ay malaking tulong upang limitahan ang pagkalat ng natapong langis na siguradong makakasira sa mga korales, lusayan, bakawan at iba pang laman-dagat. Hindi rin umano dapat panghinayangan kung hindi man ito magamit sapagkat maari naman itong i-donate sa ibang bayan na ngayon ay apektado na ng oil spill.
Kasamang bumisita sa lugar ang mga hepe ng konsernadong departamento sa City Hall sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺. May ilang opisyal din mula sa nasyunal na ahensya at pribadong organisasyon ang sumama gaya ng 𝗗𝗘𝗡𝗥, 𝗣𝗡𝗣, 𝗗𝗜𝗟𝗚 at 𝗕𝗹𝘂𝗲 𝗔𝗹𝗹𝗶𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀.




