Upang mapanatili ang kaayusan pagdating sa pagtransport ng mga baboy, nagpatawag ng pagpupulong ang 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗲𝘁𝗲𝗿𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝘀 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁, pinangunahan ni 𝗗𝗿. 𝗖𝗵𝗲𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗠. 𝗠𝗮𝗰𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆, sa mga 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗩𝗶𝗮𝗷𝗲𝗿𝗼𝘀 nitong ika-24 ng Oktubre.
Layunin ng nasabing pagtitipon na marinig ang mga hinaing at opinyon ng viajero o mga nagtatransport ng baboy tungkol sa checkpoints at paghihigpit ng Pamahalaang Lungsod pagdating sa pagbyahe.
Isa sa kahilingan ng mga viajero ay pagpayag na punuin ang kanilang truck at ang pagsasalin ng baboy upang maiwasan ang pagkalugi. Bilang tugon, ito ay hindi pa maaaring hayaan ng Pamahalaang Lungsod dahil ito ay isa sa magiging sanhi ng pagkalat ng ASF. Gayunpaman, nagkaroon ng paghihigpit sa lungsod dahil kalimitang isinasagawa ang pagsasalin ng baboy sa mga boundaries ng Calapan.
Binigyang-diin naman ni Dr. Macatangay na sa pamamagitan ng City Veterinary Services Department, sa pamamahala ni 𝗗𝗿. 𝗙𝗲𝗯𝘆 𝗗𝗮𝗿 𝗖. 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗹𝗶𝗰𝗺𝗼𝘁, ipinatutupad ng Pamahalaang Lungsod ang mga precautionary measures pagdating sa transportasyon ng baboy upang mapigilan ang pagkakaroon ng African Swine Fever o ASF sa Lungsod ng Calapan.
Dahil sa kakulangan ng personnels, iminungkahi ang pagbabawal ng transportasyon ng baboy sa loob ng limang araw — bagay na pinaboran naman ng mga viajeros.
Gayundin, hinihiling ang kooperasyon ng mga viajeros upang mapanatili ang pagiging ASF-Free ng Calapan sa pamamagitan ng pagcomply sa hinihinging dokumento at pagdidisinfect ng kanilang kagamitan.