“𝑰𝒕𝒐 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒏𝒂𝒉𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒊𝒔𝒂 𝒔𝒂 𝒃𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒚…” — City Mayor Marilo Flores-Morillo.

Masayang nakiisa si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa pagsalubong ng kapistahan ng Barangay Patas at sa kanilang Grand Coronation Night matapos maimbitahan nina 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗙𝗲𝗹𝗶𝗰𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗦𝗮𝗻𝗱𝗼𝘃𝗮𝗹 at 𝗛𝗲𝗿𝗺𝗮𝗻𝗼 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝗻𝗰𝗶𝗼 𝗦𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴, ika-13 ng Mayo.

Bago ang koronasyon, inimbitahan ng Pamilya Silang sina Mayor Morillo, na kasama ang kaniyang asawang si 𝗠𝗿. 𝗘𝗽𝗵𝗿𝗮𝗶𝗺 𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, at si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗜𝗻𝗳𝗼𝗿𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗦𝘂𝗽𝗲𝗿𝘃𝗶𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗲𝗮𝗱 𝗠𝗿. 𝗕𝗮𝗿𝗼𝗻 𝗩𝗲𝗻𝘁𝘂𝗿𝗶𝗻𝗮, sa kanilang tahanan.

Matapos nga ang mahigit apat na taon, kinoronahan na nina Mayor Morillo at Mr. Silang ang bagong Reyna ng Patas na si 𝗡𝗶𝗻𝗮 𝗖𝗮𝗿𝗹𝗮 𝗔𝗴𝗲𝗻𝗮 𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻, 10 taong gulang.

Samantala, kinoronahan din ang 𝟭𝘀𝘁 at 𝟮𝗻𝗱 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗲𝘀𝘀 na sina 𝗘𝗝 𝗥. 𝗚𝗮𝗮 at 𝗧𝗶𝗳𝗳𝗮𝗻𝘆 𝗠𝗮𝘂𝗿𝗷𝗵𝗼𝗻 𝗠. 𝗔𝗯𝗮𝗰.

Doon nga ay nakilala at humanga din si Mayor Morillo kay 𝗠𝘀. 𝗣𝗮𝗺𝗶𝗹𝗮 𝗘𝗻𝗴𝗲𝗹𝗶𝘀𝘁𝗮 𝗔𝗺𝗽𝗼𝗻𝗴 na siyang 𝑮𝒓𝒂𝒏𝒅 𝑾𝒊𝒏𝒏𝒆𝒓 ng 𝗧𝗵𝗲 𝗩𝗼𝗶𝗰𝗲 𝗣𝗮𝘁𝗮𝘀.