“𝑯𝒊𝒏𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒈𝒊𝒏𝒉𝒂𝒘𝒂 𝒌𝒂𝒑𝒂𝒈 𝑯𝒆𝒂𝒍𝒕𝒉𝒚 𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒎𝒊𝒍𝒚𝒂!”
Nakikiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan sa pagdiriwang ng 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗟𝘂𝗻𝗴 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 at sa pangunguna ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗮𝗻𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na
pinamumunuan ni 𝗗𝗿𝗮. 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗶𝘀𝗮 𝗠. 𝗟𝗹𝗮𝗻𝘁𝗼 ay isinagawa ang Lay Forum tungkol sa 𝑻𝒖𝒃𝒆𝒓𝒄𝒖𝒍𝒐𝒔𝒊𝒔 o 𝑻𝑩 sa Plaza Pavilion, ika-16 ng Agosto.
“𝑯𝒂𝒏𝒈𝒂𝒅 𝒌𝒐 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒍𝒖𝒔𝒐𝒈 𝒂𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒆𝒏̃𝒐,” iyan ang mensahe ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼. Para sa kaniya, kadalasan baga ang unang tinatamaan ng sakit kung kaya’t napakahalagang matuto ang bawat isa sa kung paano ito mas mapapangalagaan.
Gayundin, binigyang-diin niya ang pag-iwas sa paninigarilyo lalo na’t hindi lamang ang naninigarilyo ang naaapektuhan kundi pati na rin ang mga kasamang nakakalanghap ng usok nito.
Naimbitahan naman bilang Resource Speaker si 𝗗𝗿𝗮. 𝗥𝗼𝘀𝗮𝗹𝘆𝗻 𝗛𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗱𝗲𝘇-𝗦𝗲𝗯𝗮𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻, 𝗙𝗣𝗖𝗣, 𝗙𝗣𝗖𝗖𝗣 upang magbigay ng kaalaman sa mga Calapeño tungkol sa Tuberculosis at kung paano pangangalagaan ang mga baga.
Naging katuwang naman ng Pamahalaang Lungsod ang 𝗣𝗿𝗼𝘃𝗶𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗗𝗢𝗛 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲, 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 𝗳𝗼𝗿 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔, at ang 𝗦𝘁. 𝗧𝗵𝗲𝗿𝗲𝘀𝗲 𝗱𝗲 𝗔𝘃𝗶𝗹𝗮 𝗗𝗶𝗮𝗴𝗻𝗼𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗟𝗮𝗯𝗼𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿𝘆.