Nasa libong mamamayan ng lungsod ng Calapan ang nakatanggap kamakailan ng ayuda mula sa pondo ng 𝑨𝒔𝒔𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒄𝒆 𝒕𝒐 𝑰𝒏𝒅𝒊𝒗𝒊𝒅𝒖𝒂𝒍𝒔 𝒊𝒏 𝑪𝒓𝒊𝒔𝒊𝒔 𝑺𝒊𝒕𝒖𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 (𝑨𝑰𝑪𝑺)sa pamamagitan ng opisina ni Konsehala AboGanda, Atty. Jel Magsuci.
Ang nasabing AICS ay hiniling ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 kay Senator Sonny Angara sa pamamagitan ng opisina ni Konsehala Atty. Jel upang mabigyan ng tulong ang mga residenteng nangangailangan ng nasabing ayuda.
Pinondohan ito ng opisina ni Senator Angara at idinaan sa 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗦𝗪𝗗) para sa pagpapatupad ng naturang programa.
Ang 3-𝒅𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒚𝒐𝒖𝒕 (Oct 16-18) na ito ay tunay namang ipinagpapasalamat ng lahat ng mga benepisyaryo at pamilya ng mga ito.
Naging matagumpay ang nasabing AICS Payout sa pagtutulungan ng iba’t ibang opisina at indibidwal na kinabibilangan ng 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗠𝗜𝗠𝗔𝗥𝗢𝗣𝗔, 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗔𝗠𝗔 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 na pinamumunuan naman ni 𝗦𝗧𝗣 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿 𝗠𝗿. 𝗣𝗲𝘁𝗲𝗿 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗩. 𝗗𝘆𝘁𝗶𝗼𝗰𝗼, 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿𝗮𝗹 𝗥𝗲𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 at mga kawani nito, at ilan pang konsernadong indibidwal mula sa pamahalaang lungsod.