“an nyeong ha seyo” ganyan ang sikat na pagbati ng Korean nationals. Pero dahil hindi naman tayo mga Koreano, gawin na lang natin na “anong bago sa inyo?” – at ang sagot namin dyan.. dito sa Calapan, ang Ina ng Lungsod, sa mga Koreano may mabuting pakikipag-ugnayan.
Patunay dyan ang pagdalaw ng ilang Korean National dito sa lungsod upang sa mga Calapeño ay magbigay ng lehitimo at disenteng mga trabaho.
Sa pagbisita nina Mr. Lim Haebok,
Mr. Jeon Byeonghun, Mr.
Jeong Jeongsu at Mr.
Hong Soongu sa lungsod ika 16 ng Enero, agad ipinakita at pinatunayan ng Pamahalaang Lungsod ang pagiging magiliw at ang likas na pagiging maasikaso ng mga Calapeño.
Sa pangunguna ni Mr. Christian Gaud Calapan City Tourism Head at ng kanyang mga staff, katuwang si Mr. Evaro Venturina- City Information Officer, ipinasyal at personal na ipinamalas nila sa mga natatanging bisita ang ganda ng Calapan City Recreational and Zoological Park na matatagpuan sa Bulusan at Silonay Mangrove Eco Park.
Kita naman ang lubos na pagkamangha ng mga ito sa ganda at luntiang mga pasyalan dito sa Calapan, at bukod dun ay game na game at walang takot din silang nakipagkamustahan at nakipag shake hands hindi lamang sa mga lokal ng lungsod, ngunit gayundin sa mga hayop na makikita sa ating Zoo, gaya na lamang sa isang sawa na makikita at inaalagaan doon.
Naging lubos namang lalo ang Calapan Experience nila ng binigyang katuparan ng city government ang kanilang mithi n masubukan ang pagsakay sa ating basic means of transportation – ang tricycle, na anila pa ay maihahalintulad sa “Tuk-Tuk ng Thailand.
Sa mga susunod na araw ay nakatakda ang pormal na pagpupulong at pirmahan ng MOU sa pagitan ng City Government of Calapan at ng mga naturang Korean National – at ito ay hinggil sa napipintong pagbubukas ng maganda at malawak na oportunidad para sa mga Calapeño na magkaroon ng lehitimo at disenteng trabaho sa Korea. Ito ay a kadahilanang, seryoso ang Ina ng Lungsod sa kanyang sinumpaan at ipinangakong tungkulin, na pagsusumikaoan niya na mabigyan ng kaalwanan ang buhay ng taumbayan dito sa lungsod ng Calapan.




