PAGBISITA NG ROTARY CLUB OF PASAY, LIBERTAD AT ADVOCACY HELP IN THE PHILIPPINES

Binista si City Mayor Marilou Flores-Morillo sa kanyang tanggapan ng mga miyembro ng Rotary Club of Pasay Libertad

at Advocacy Help in The Philippines, upang personal na makapanayam ang Ina ng lungsod. Ang mga grupong ito ay nagsagawa ng outreach program para sa mga Indigenous People ng Mindoro at nagpahayag ng kanilang hangarin na makapagbigay pa ng libreng serbisyo ukol sa pagbubuwis sa pamamagitan ng programang TAXHELP.

Ipinaabot din ng mga grupo ang kanilang layunin na makipagkaisa sa lokal na pamahalaan upang maghatid ng iba pang mga libreng serbisyo para sa mga mamamayan ng Calapan. Malugod na tinanggap ni Mayor Morillo ang kanilang alok, at binigyang-diin niya ang malaking tulong na hatid nito para sa mga residente ng lungsod.

Aniya, ang inisyatibong ito ay isang mahalagang hakbang sa pagtulong sa ating mga kababayan at tiyak na magbibigay ng mas malawak na suporta at serbisyong kinakailangan ng ating komunidad.