“𝑷𝒂𝒈𝒃𝒂𝒕𝒊 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒏𝒂𝒈𝒘𝒂𝒈𝒊!”
Nitong ika-27 ng Marso, opisyal na ipinakilala sa madla ang mga nangunang pangkat na nagpamalas ng kakaibang husay, gamit ang kanilang mga natatanging talento sa katatapos na “𝗖𝗚𝗖 𝗠𝗶𝗻𝗶 𝗢𝗹𝘆𝗺𝗽𝗶𝗰𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟯” na handog ng Pamahalaang Lungsod sa ilalim ng pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, na naisakatuparan sa pamamagitan ng mga aktibong kawani ng 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 na pinamumunuan ni 𝗖𝗬𝗦𝗗𝗗 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗟. 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻.
Nailuklok sa 𝑰𝒌𝒂𝒕𝒍𝒐𝒏𝒈 𝑷𝒘𝒆𝒔𝒕𝒐 ang pangkat ng 𝗥𝗲𝗱 𝗛𝗼𝘁 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗶 𝗣𝗲𝗽𝗽𝗲𝗿𝘀 na nakakuha ng 𝟰𝟰𝟭 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁𝘀, nasa 𝑰𝒌𝒂𝒍𝒂𝒘𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒘𝒆𝒔𝒕𝒐 naman ang 𝗧𝗔𝗻𝗴𝗲𝗿𝗶𝗻𝗲 𝗠𝗔𝗿𝘃𝗲𝗹𝘀 na nakakuha ng 𝟱𝟵𝟴 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁𝘀, at itinanghal na Kampyon ang 𝗚𝗿𝗲𝗲𝗻 𝗞𝗻𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀 na nakakuha ng 𝟲𝟮𝟯 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁𝘀.
Nakatanggap ang Red Hot Chili Peppers ng cash overall cash prize na 𝗣𝗵𝗽 𝟭𝟬,𝟬𝟬𝟬, 𝗣𝗵𝗽 𝟭𝟱,𝟬𝟬𝟬 para sa TAngerine MArvels, at 𝗣𝗵𝗽 𝟮𝟬,𝟬𝟬𝟬 para sa Green Knights.
Batid ni Mayor Morillo na ang naging matagumpay na aktibidad na ito ay mayroong malaking naitulong sa mga masisigasig na kawani ng Pamahalaang Lungsod na buong pusong nagbahagi ng kanilang natatanging kakayahan sa larangan ng Sports.


