Our Lady of Lourdes Grotto Blessing

Taimtim na nakiisa ang Ina ng Lungsod, Malou Flores-Morillo sa pagbabasbas ng Our Lady of Lourdes grotto, ika-11 ng Pebrero. Makalipas ang halos 100 taon, nagkaroon ng bago at mas maayos na mukha ang Our

Lady of Lourdes grotto na matatagpuan sa Brgy. San Rafael, Calapan City. Nagkaroon ng katuparan ang mas maaliwalas na estado ng nabanggit na grotto dahil sa Knights of Columbus, Bishop Finnemann Council No. 4290, sa kasalukuyang pamumuno ni Grand Knight Engr. Gil G. Ramirez. Samantala ang kinatatayuang lote ng nasabing grotto ay kaloob ni Dr. Elpidio Y. Alcancia Jr. at ng kaniyang pamilya. Ang grotto ay gumugunita sa mga aparisyon ng Mahal na Birheng Maria sa isang batang babae sa lalawigan ng Lourdes, France taong 1858, ayon sa kwento, nagpakita ang Mahal na Birhen ng 18 beses kay Bernadette Soubirous. Ang unang aparisyon ay nangyari noong Pebrero 11 sa yungib ng Massabielle, habang nangongolekta ng panggatong si Bernadette kasama ang kanyang kapatid at kaibigan. Ayon sa kuwento, itinuro daw ng Birheng Maria kay Soubirous na maghukay sa isang bahagi ng grotto, at ang tatagas na tubig dito ay magiging milagroso at makapagpapagaling ng mga sakit. Noong 1862, kinumpirma ng Simbahan ang katunayan ng mga aparisyon. Bago ang pagbabasbas, isang Banal na Misa ang isinagawa sa pangunguna ni Rev. Fr. Andy Peter Lubi (Cathedral Rector) at Rev. Fr. William Abas (Council Chaplain).


Deprecated: str_replace(): Passing null to parameter #3 ($subject) of type array|string is deprecated in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-content\plugins\accordions\includes\functions.php on line 791