ORMECO Golden Anniversary: Gabi ng Parangal at Pasasalamat

Sa ngalan ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan, nais kong ipaabot ang malugod na pagbati sa pamunuan ng 𝑶𝒓𝒊𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍

𝑴𝒊𝒏𝒅𝒐𝒓𝒐 𝑬𝒍𝒆𝒄𝒕𝒓𝒊𝒄 𝑪𝒐𝒐𝒑𝒆𝒓𝒂𝒕𝒊𝒗𝒆 (𝑶𝑹𝑴𝑬𝑪𝑶) sa pamumuno ni 𝗚𝗲𝗻𝗲𝗿𝗮𝗹 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗿 𝗛𝘂𝗺𝗽𝗿𝗲𝘆 𝗔𝘁𝗶𝗲𝗻𝘇𝗮 𝗗𝗼𝗹𝗼𝗿 gayundin sa bumubuo ng Hunta Direktiba, sa 50 taon na pagseserbisyo sa mga Mindoreño.

Pasasalamat at parangal sa sakripisyo ng bawat isang naging kabahagi ng katagumpayang ito, sa ating mga Mangagawang-Dagitab, taggapin ninyo ang aking mataas na respeto at pagsaludo.

Tunay na hindi matatawaran ang inyong pagpapagal sa anumang oras at lagay ng panahon. Kayo ay laging naririyan upang umagapay.

Dalangin ko ang kaligtasan ng lahat, patuloy na kalakasan ng mga namumuno para sa mas matatag na ORMECO sa susunod pang limampung taon.