Sa pamamagitan ng Philippine National Volunteer Service Coordinating Agency (PNVSCA), sa pangunguna ni LTC Kenneth C. Siruelo,
MNSA PA (RES), Officer-in-Charge, PATS Division, PNVSCA, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Calapan, sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo, at City Administrator, Penelope D. Belmonte, matagumpay na naisagawa ang “Orientation on Volunteerism” sa Lungsod ng Calapan, ginanap sa Conference Room Executive Building, City Hall, nitong ika-4 ng Hulyo.
Sa nasabing oryentasyon, mahusay na naipaliwanag at naipaunawa sa mga kawani ang tungkol sa basic concepts at principles ng volunteerism, gayundin ang mga kahalagahan nito na mayroong hatid na mabuting epekto, para sa mga mamamayan, sa bayan at maging sa sarili, kung saan kada buwan, tinatayang nasa 862 Million na tao sa buong mundo ang boluntaryong nagseserbisyo.
Dagdag pa rito, tinalakay din ang tungkol sa volunteerism, bilang estratehiya, para sa national development, gayundin ang PNVSCA’s priority programs, general guidelines for the search for outstanding volunteers 2024, at iba pa.
Kaugnay nito, inaasahan na malaki ang maitutulong ng nasabing gawain sa pamahalaang lungsod, upang mas higit na maunawaan ng bawat isa ang tungkol sa volunteerism at makabuo ng mga plano at hakbang para sa mga panghinaharap na programa at aktibidad na katuwang ang iba’t ibang mga samahan o organisasyon na boluntaryong nagseserbisyo sa komunidad.
Samantala, dumalo at nakilahok din sa nasabing aktibidad sina City Planning and Development Coordinator EnP. Joselito R. Bautista, City Treasurer, Mr. Nicasio D. Catapang, Acting City Civil Registrar, Mr. Rommel R. Albo, at GAD Focal Person, Ms. Junie Rose S. Gahol, kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang opisina at departamento ng Pamahalaang Lungsod ng Calapan.