Dahil nagawaran na ang Lungsod ng Calapan ng mga laptops mula sa National Library of the Philippines, isinagawa ang Orientation on Koha Integrated Library System para sa mga tagapamahala ng barangay reading centers sa City Public Library nitong ika-18 ng Nobyembre.

Sa pangunguna ng sa tulong na rin ng National Library of the Philippines at City Public Library ay nabigyan ng pagkakataon ang mga tagapamahala ng barangay reading centers na mas maintindihan ang paggamit ng Koha ILS na naka-install na sa mga laptop na naipamahagi.

Mula sa salitang Maori, ang koha ay nangangahulugang “gift or donation” kaya naman ito ay kilala bilang isang libreng library software.

Isa sa mga katangian ng Koha ILS ay ang pagkakaroon ng online public access catalog (OPAC) para sa library, database ng mga library users, issuing books to borrowers and returning books to the collection, at borrower requests for library system.

Layunin ng NLP na mas mapabuti at mapadali ang pamamahala sa mga aklatan sa pamamagitan ng technology integration.

Dinaluhan naman ang orientation ng mga tagapamahala ng reading centers sa 52 barangays ng lungsod.

Matapos ng orientation ay isinagawa naman Performance Review and Evaluation sa mga Barangay Reading Centers (Thea Marie J. Villadolid/CIO).