Matagumpay na idinaos ang “Oriental Mindoro Motorcycle Riders’ Day 2024”, ngayong araw, ika-5 ng
Mayo, kung saan aktibong lumahok dito ang mahigit sa tatlong libo’t limang daang (3,500) mga motorcycle rider na mula sa iba’t ibang lugar sa lalawigan na bahagi ng Oriental Mindoro Rider Federation (OMRF).
Nagsimulang magtipon-tipon ang mga nasabing rider sa Juan Morente Sr. Memorial Pilot School sa Pinamalayan, at pasado 6:45 ng umaga nang sama-sama silang umarangkada, patungo sa Bulwagang Panlalawigan, Provincial Capitol Complex, Barangay Camilmil, sa Calapan City, kung saan idinaos ang inihandang programa.
Dinaluhan nina City Mayor Marilou Flores-Morillo at City Councilor, Atty. Jel Magsuci ang nasabing aktibidad na naglalayong iangat ang turismo sa buong lalawigan na suportado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro, sa pamumuno ni Governor Humerlito ‘Bonz’ A. Dolor at Vice Governor Hon. Ejay Falcon.