“Maraming salamat po at dito ninyo dinala sa Lungsod ng Calapan ang Billiard Tournament na ito, Isang karangalan para po sa amin na mapuntahan ng mga mahuhusay na manlalaro ng billiards mula sa ibat-ibang lugar sa Oriental Mindoro at maging sa labas ng lalawigan, kayo po ay malugod naming tinatanggap dito sa aming lungsod”, ayon yan kay City Mayor Malou F. Morillo nang bumisita siya sa Oriental Mindoro Open 10-Ball Billiards Tournament 2022 na ginanap noong Nobyembre 3-7, 2022, Filipiniana Hotel, Barangay Sto. Niño Calapan City.
64 na mga billiard players ang nagtagisan ng husay sa elimination round kabilang na ang mga legendary billiard players tulad ni Efren “Bata” Reyes, Dianggo Bustamante, Antonio “Nikoy” Lining, Ramil Gallego at Ronnie Alacano. Sa final result ay wagi bilang semi-finalists sina Ronnie Alcano at Jack De Luna.
Samantala, sa ‘Battle of Champions’ ay nagkaharap sina Marvin Pastor at Demusthenes Pulpul na kung saan ay napataob ni Pulpul si Pastor upang kilalanin ito bilang Champion .
sa Open 10-Ball Billiard Tournament 2022.
Si Marvin Pastor bilang 1st Runner Up ay nakatanggap ng tropeo at P150,000. Si Demusthenes Pulpul mula sa Cagayan De Oro na tinanghal na kampeon ay tumanggap ng tropeo at premyo na P250,000.
May consultation prize na P5,000 para sa Top 5-16 at P3,000 para naman sa Top 17-32. Lubos na pinasalamatan ni Mayor Malou ang mga personalidad na nasa likod ng matagumpay na torneo sa pangunguna ng LaguaRosa Travel and Tours Services na siyang main sponsor nito. Gayundin sa Provincial Government of Oriental Mindoro at sa lahat ng Organizers.
Ipinahayag rin niya ang kanyang lubos na pagsuporta sa sports para sa mga kabataan Calapeño upang katulad ng mga sikat na manlalaro ng billiards ay kilalanin din sila sa buong mundo at makapagbigay karangalan para sa Lungsod ng Calapan (Junard Acapulco/CIO).




