Tinunghayan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 ang pag-oordina sa mga bagong diyakono ng 𝗔𝗽𝗼𝘀𝘁𝗼𝗹𝗶𝗰 𝗩𝗶𝗰𝗮𝗿𝗶𝗮𝘁𝗲 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 nitong ika-10 ng Pebrero sa 𝗦𝗲𝘃𝗲𝗻 𝗟𝗮𝘀𝘁 𝗪𝗼𝗿𝗱𝘀’ 𝗖𝗵𝗮𝗽𝗲𝗹, 𝗦𝘁. 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻𝗲 𝗦𝗲𝗺𝗶𝗻𝗮𝗿𝘆.

Tatlo ang nadagdag sa mga magiging pastil ng Bikaryato sa ordinasyon sa pagkadiyakono na binubuo nina 𝗥𝗲𝘃. 𝗝𝗼𝘀𝗲𝗽𝗵 𝗣𝗮𝗼𝗹𝗼 𝗖𝗮𝘀𝘁𝗶𝗹𝗹𝗼, 𝗥𝗲𝘃. 𝗔𝗺𝗺𝗶𝗲𝗹 𝗠𝗲𝗻𝗼𝗿𝗰𝗮, at 𝗥𝗲𝘃. 𝗕𝗶𝗲𝗻 𝗦𝗮𝗻𝗱𝗼𝘃𝗮𝗹.

Pinangunahan naman ito ng Lubhang Kagalang-galang 𝗚𝗶𝗹𝗯𝗲𝗿𝘁 𝗚𝗮𝗿𝗰𝗲𝗿𝗮 𝗗.𝗗, Arsobispo ng Lipa, at katuwang niya si 𝗩𝗲𝗿𝘆 𝗥𝗲𝘃. 𝗙𝗿. 𝗡𝗲𝘀𝘁𝗼𝗿 𝗝. 𝗔𝗱𝗮𝗹𝗶𝗮.

Naroon din si 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗔𝗿𝗻𝗮𝗻 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝗻, iba pang mga pari at diyakono na nagmula pa sa iba’t ibang Diyosesis ng bansa, at ang pamilya at mga kaibigan ng mga naordinahan.

Personal ding nilapitan at kinausap ni Mayor Morillo ang mga diyakono upang ipabatid sa kanila ang kaniyang kagalakan at pagbati sa kanilang milestone.