Opisyal ng nagsimula ang paggulong ng mga 𝑷𝑰𝑳𝑨𝑲a-aabangang aktibidad para sa selebrasyong ng ika-25 anibersaryo ng pagiging ganap na lungsod ng Calapan.
Upang tumawag at humingi ng pagpapalang kailangan para sa matagumpay na pagdiriwang, sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ang naturang selebrasyon sa pamamagitan ng isang Banal Na Misa na personal na pinangunahan ng Ina ng Lungsod 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼, 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗕𝗶𝗺 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼 kasama ang CGC Department Heads & Program Managers, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, 𝗠𝘂𝘁𝘆𝗮 𝗻𝗴 𝗟𝘂𝗻𝗴𝘀𝗼𝗱 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟯 Official Candidates, mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, mga Punong Barangay at iba pang mga tanggapan at opisina, ika-25 ng Pebrero sa Sto. Niño Cathedral.
“𝑵𝒂𝒓𝒂𝒓𝒂𝒑𝒂𝒕 𝒍𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒃𝒂𝒍𝒊𝒌 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏𝒐𝒐𝒏 𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒑𝒖𝒓𝒊 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒔𝒂𝒔𝒂𝒍𝒂𝒎𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝒑𝒂𝒏𝒂𝒉𝒐𝒏 𝒂𝒕 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒕𝒂𝒐𝒏 𝒏𝒂 𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒂𝒚 𝑲𝒂𝒏𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒈𝒊𝒏𝒂𝒃𝒂𝒚𝒂𝒏, 𝒔𝒊𝒏𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒂𝒕 𝒑𝒓𝒊𝒏𝒐𝒕𝒆𝒌𝒕𝒂𝒉𝒂𝒏. 𝑨𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒖𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒓𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒔𝒂 𝒏𝒈𝒂𝒚𝒐𝒏 𝒂𝒚 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒎𝒂𝒈𝒊𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒈𝒂𝒏𝒂𝒑 𝒂𝒕 𝒑𝒐𝒔𝒊𝒃𝒍𝒆 𝒌𝒖𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒔𝒂 𝑲𝒂𝒏𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒑𝒂𝒑𝒂𝒍𝒂.” — City Mayor Malou Flores Morillo
Samantala, naging laman naman ng Homilia at mga Pagbasa sa naturang Banal Na Misa ay ang mensaheng tunay na akma para sa bawat isa — ito ay ang tumindig tayo at sikapin na iwanan ang mga bagay na makakasagabal sa ating paglago at pagiging mabuting tao at masunuring anak ng Diyos, at higit nawa tayong maging makatao at nagpapahalaga sa katotohanan.
Dagdag pa ni 𝗙𝗿. 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗗𝗮𝘃𝗲 𝗣𝗶𝗻𝗲𝗱𝗮 – 𝗣𝗮𝗿𝗼𝗰𝗵𝗶𝗮𝗹 𝗩𝗶𝗰𝗮𝗿, na siyang nanguna sa nasabing Banal Na Misa, “𝑨𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒂𝒏𝒈𝒌𝒂𝒑 𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒖𝒏𝒍𝒂𝒅 𝒏𝒂 𝒍𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅, 𝒂𝒚 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒂𝒎𝒂𝒎𝒂𝒚𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈 𝒔𝒂 𝒊𝒍𝒂𝒍𝒊𝒎 𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒍𝒊𝒏𝒈𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒂.” (Kate Redublo/CIO).
𝗠𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗮𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗙𝗲𝗯𝗿𝘂𝗮𝗿𝘆 𝟮𝟱 𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗻𝗮 𝗮𝗿𝗮𝘄!




