“𝑷𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒊𝒔𝒂 𝒔𝒂 𝒉𝒂𝒎𝒐𝒏 𝒏𝒈 𝒃𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝒌𝒂𝒃𝒊𝒍𝒂 𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒌𝒂𝒊𝒃𝒂-𝒊𝒃𝒂 𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒌𝒖𝒍𝒂𝒚!”

Opisyal na binuksan ang 𝗖𝗚𝗖𝗟𝘆𝗺𝗽𝗶𝗰𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟯 sa pangunguna ng City Youth and Sports Development Department na pinamumunuan ni 𝗠𝗿. 𝗠𝗮𝗿𝘃𝗶𝗻 𝗟. 𝗣𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 bilang bahagi ng 𝟮𝟱𝘁𝗵 𝗖𝗶𝘁𝘆𝗵𝗼𝗼𝗱 𝗔𝗻𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 na ginanap sa City Hall Compound, Barangay Guinobatan nitong araw ng Lunes ika-6 ng Marso.

Nasaksihan ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗿𝗶𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 at 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗩𝗶𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗥𝗼𝗺𝗺𝗲𝗹 ‘𝗕𝗶𝗺’ 𝗔. 𝗜𝗴𝗻𝗮𝗰𝗶𝗼 ang nagkakaisang mga kawani ng Lungsod ng Calapan na mula noon hanggang ngayon ay patuloy na naglilingkod at naghahatid ng TaMang serbisyo para sa mga mamamayan.

Kaugnay nito, nagkaroon din ng sama-samang parada na nilahukan ng mga masisigasig na City Councilor, Department Head, at kawani ng Pamahalang Lungsod, kung saan ay nahahati ito sa pitong grupo at ito ay ang 𝗣𝘂𝗿𝗽𝗹𝗲 𝗗𝗲𝗳𝗲𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀, 𝗣𝗶𝗻𝗸 𝗣𝗮𝗻𝘁𝗵𝗲𝗿𝘀, 𝗥𝗲𝗱 𝗛𝗼𝘁 𝗖𝗵𝗶𝗹𝗶 𝗣𝗲𝗽𝗽𝗲𝗿𝘀, 𝗧𝗔𝗻𝗴𝗲𝗿𝗶𝗻𝗲 𝗠𝗔𝗿𝘃𝗲𝗹𝘀, 𝗬𝗲𝗹𝗹𝗼𝘄 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿𝘀, 𝗚𝗿𝗲𝗲𝗻 𝗞𝗻𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀, at 𝗕𝗹𝘂𝗲 𝗟𝗮𝘄 𝗠𝗮𝗸𝗲𝗿𝘀.

Ang bawat pangkat ay inaasahan na magpapakitang gilas at magsusumikap na manalo sa mga nakahandang iba’t ibang palaro sa paligsahan.

Ipinakilala rin sa madla ang mga panlabang kadidato at kandidata para sa 𝗠𝗿. 𝗮𝗻𝗱 𝗠𝘀. 𝗖𝗚𝗖 𝟮𝟬𝟮𝟯, kung saan ay ibinida nila ang kanilang sarili bitbit ang karangalan ng kanilang pangkat na nirerepresenta.

Kasabay ng pagdideklara ni Mayor Morillo ng pagbubukas ng CGClympics 2023 sa araw na ito, taos-pusong pasasalamat din ang handog niya sa mga kawani na nakiisa at patuloy na nagbibigay serbisyo para sa mga mamamayan.

Batid niyang ang mabubuong pagkakaisa sa inilatag na gawain ay isang mahalagang sangkap para sa patuloy na pagyabong ng Lungsod ng Calapan, kung saan ang makabuluhang palaro ay maituturing na isang kultibasyon para makapagtanim ng saya at pagmamahal sa kapwa, sa mamamayan, at sa bayang buong puso rin niyang pinaglilingkuran.

Bakas din kay Vice Mayor Ignacio ang lubos na kasiyahan, dahil nakita niya na nagsama-sama ang mga masisigasig na kawani ng Pamahalaang Lungsod na buong pusong naglilingkod para sa mga mamamayan at para sa lungsod.

Batid din niyang sinisimbolo ng pagkakaisa ang matibay na samahang pinagbigkis ng iisang hangarin para paglingkuran ang taumbayan.

Para naman kay 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗔𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿, 𝗔𝘁𝘁𝘆. 𝗥𝗲𝘆𝗺𝘂𝗻𝗱 𝗔𝗹 𝗙. 𝗨𝘀𝘀𝗮𝗺, ang pagdiriwang na ito ay hindi nagtatapos sa kung ano ang mayroon sa kasalukuyan, ito rin ay isang pag-alala sa nakaraan, kung paano nagsimula ang Lungsod ng Calapan, at sa kung paano ito pinanday ng mga naunang Punong Lungsod, kaagapay ang mga kawani at opisyal hanggang sa kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni City Mayor Marilou Flores-Morillo na naging dahilan kung bakit mas tumibay pa ang pundasyon ng Lungsod ng Calapan patungo sa patuloy na pagyabong nito.