Isa si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼 sa mga Calapeño na nakiisa at sumuporta sa 𝑫𝒊𝒏𝒏𝒆𝒓 𝒇𝒐𝒓 𝒂 𝑪𝒂𝒖𝒔𝒆 na proyekto ng 𝗢𝗿𝗶𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 – 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗔𝗿𝘁𝘀 (𝗦𝗣𝗔) na pinapangunahan ni 𝗠𝘀. 𝗥𝗵𝗼𝗱𝗼𝗿𝗮 𝗕𝗲𝗹𝗲𝗻 𝗕𝗮𝗿𝗼𝗵𝗮𝗯𝗼, 𝗦𝗣𝗔 𝗖𝗼𝗼𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝘁𝗼𝗿 na isinagawa sa OMNHS Gabaldon Building noong Sabado ng Gabi, Disyembre 16, 2023.
Ikinagalak ni Mayor Malou na muling makita sa okasyon ang kanyang mga kasamahan at kaibigan na bibihira lamang niyang makasalamuha. Kanya ring pinuri at hinangaan ang inisyatibang ito ng OMNHS sa pamumuno ni 𝗗𝗿. 𝗡𝗶𝗺𝗿𝗼𝗱 𝗕𝗮𝗻𝘁𝗶𝗾𝘂𝗲, 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗜𝗩, na ang layunin ay mabigyang suporta ang mga mag-aaral sa ilalim ng SPA upang higit pa silang maging mahusay sa larangan sining, pag-awit at pagsasayaw.
Naaliw naman habang kumakain ang mga panauhin sa pamamagitan ng mga pagtatanghal mula sa 𝑩𝒖𝒂𝒚𝒘𝒂 𝑭𝒐𝒍𝒌𝒍𝒐𝒓𝒊𝒄 𝑫𝒂𝒏𝒄𝒆𝒓𝒔, 𝑪𝒂𝒏𝒕𝒂𝒃𝒊𝒍𝒆 𝑺𝒆𝒏𝒊𝒐𝒓 𝒂𝒏𝒅 𝑱𝒖𝒏𝒊𝒐𝒓 𝑯𝒊𝒈𝒉 𝑺𝒄𝒉𝒐𝒐𝒍 𝑪𝒉𝒐𝒊𝒓 at 𝑶𝑴𝑵𝑯𝑺 𝑹𝒐𝒏𝒅𝒂𝒍𝒍𝒂.
Nagpamalas din ng talento ang SPA Teachers gayundin si 𝗠𝗿. 𝗡𝗮𝗷𝗲𝗲𝗯 𝗙𝗮𝗷𝗮𝗿𝗱𝗼 na kilalang mahusay na Saxophonist.