Personal na dinalaw ni ๐๐ถ๐๐ ๐ ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐น๐ผ๐ ๐๐น๐ผ๐ฟ๐ฒ๐-๐ ๐ผ๐ฟ๐ถ๐น๐น๐ผ ang mga guro ng ๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐ ๐ถ๐ป๐ฑ๐ผ๐ฟ๐ผ ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ถ๐ด๐ต ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น na sumasailalim ngayon sa ikalawang araw ng kanilang ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น-๐๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ ๐๐ป-๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ถ๐ป๐ถ๐ป๐ด (๐๐ก๐ฆ๐๐ง) na pinangungunahan ng kanilang Punong Guro na si ๐๐ฟ. ๐ก๐ถ๐บ๐ฟ๐ผ๐ฑ ๐. ๐๐ฎ๐ป๐๐ถ๐ด๐๐ฒ, ika-7 ng Pebrero.
“๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ณ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐,” iyan ang mensahe ni Mayor Morillo sa mga guro ng OMNHS.
Doon ay ibinahagi niya ang mga proyektong nakalaan para sa pagpapasaayos ng mga pasilidad sa OMNHS partikular na sa pagpapa-rehabilitate ng kanilang swimming pool at sa pagpapagawa ng eco-park sa likod lamang ng mataas na paaralan; dagdag pa nito, ginawa na ding isang taon ang serbisyo ng mga utility at security personnel ng OMNHS.
Ayon nga kay Dr. Bantigue, talagang nakita at naramdaman niya ang suporta ni Mayor Morillo sa OMNHS mula noong naupo ito bilang Ina ng Lungsod sapagkat isa ang OMNHS sa mga paaralang talagang tinututukan ng Pamahalaang Lungsod sa tuwing may mga pagpupulong ang City School Board.
Kaya naman bilang ganti, ipinangako ni Dr. Bantigue, bilang nangunguna sa kaguruan ng OMNHS, na gagawin nila ang kanilang tungkulin para sa ikabubuti ng mga mag-aaral na Calapeรฑo.






