“𝑫𝒆𝒔𝒆𝒓𝒗𝒆 𝒑𝒐 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒌𝒂𝒓𝒂𝒏𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝒈𝒂𝒏𝒊𝒕𝒐𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒔𝒊𝒚𝒂𝒉𝒂𝒏 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒏𝒂𝒏𝒂𝒕𝒊𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒊𝒔𝒂 𝒌𝒐 𝒑𝒐 𝒌𝒂𝒚𝒐 𝒔𝒂 𝒎𝒂𝒈𝒂𝒈𝒂𝒏𝒅𝒂𝒏𝒈 𝒍𝒂𝒚𝒖𝒏𝒊𝒏 𝒌𝒐 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂
𝒊𝒌𝒂𝒌𝒂𝒃𝒖𝒕𝒊 𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑳𝒖𝒏𝒈𝒔𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒂𝒏, 𝒎𝒂𝒈𝒔𝒂𝒚𝒂 𝒑𝒐 𝒕𝒂𝒚𝒐 𝒅𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒂𝒏𝒈 𝒈𝒂𝒃𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒕𝒐 𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒑𝒐 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐 𝒎𝒈𝒂 𝒎𝒊𝒏𝒂𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍 𝒌𝒐𝒏𝒈 𝑪𝒂𝒍𝒂𝒑𝒆𝒏̃𝒐” — Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo
𝑩𝒖𝒛𝒛𝒆𝒓 𝑩𝒆𝒂𝒕𝒆𝒓 ang 𝗢𝗸𝘁𝗼𝗯𝗲𝗿𝗳𝗲𝘀𝘁 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟯 na ginanap nitong Oktubre 31, ngunit sulit na sulit naman ang mga Calapeño sa inihandang pampasaya ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿 𝗠𝗮𝗹𝗼𝘂 𝗙𝗹𝗼𝗿𝗲𝘀-𝗠𝗼𝗿𝗶𝗹𝗹𝗼.
Tulad ng taunang selebrasyon ng Oktoberfest ay inaabangan ang bonggang street party sa kahabaan ng J. P Rizal Street. Dahil likas sa mga Calapeño ang pagkahilig sa pagkain kung kaya naman dito ay hindi nawawala ang mga nakakatakam na pagkain, mga lutong ulam at street foods gaya ng barbeque, siomai, takoyaki, shawarma, lechon, calamares at marami pang iba na talaga namang sisira sa iyong diet. Nariyan din ang masasarap na inumin tulad ng fruit juices, milk tea, ice crumble at palamig may iba’t ibang flavors pa.
Kapag may Oktoberfest, hindi lamang mga tiyan natin ang bubusugin sa dami ng pagpipiliang pagkain dahil tiyak na bubusugin din ang ating mga mata sa dami ng mapapanuod na live bands na nagtampok sa mga local musicians/performers mula sa Calapan City.
Istorbo man ang panaka-nakang pagbuhos ng ulan sa kalagitnaan ng selebrasyon ay hindi naging hadlang ito sa pagsasaya ng mga partygoers.
Tuloy-tuloy lang ang inuman, kainan at masayang bonding ng magkaka-tropa, barkadahan at magkaka-pamilya habang non-stop din ang rakrakan sa live performances ng mga banda na may kanya-kanyang genre.
Kabilang sa mga ipinagmamalaking pure local bands na nagpasaya sa Oktoberfest 2023 sa Calapan ay ang mga sumusunod: 𝗕𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗻𝗶 𝗦𝗮𝗱𝗮𝗺, 𝗣𝗮𝗿𝗼𝗸𝘆𝗮 𝗻𝗶 𝗣𝗼𝗻𝘀, 𝗡𝗲𝘄 𝗞𝗶𝗱𝘀, 𝗘𝗮𝘀𝘆 𝘁𝗼 𝗚𝗲𝘁, 𝗣𝗶𝗹𝘆𝗼𝘀, 𝗨𝗽 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝘄𝗮𝘆, 𝗨𝗻𝘁𝗼𝗹𝗱, 𝗢𝘁𝗶𝘁𝗼𝗸𝗼, 𝗚𝗻𝗮𝘄𝗳𝗮𝗰𝗲, 𝗞𝗶𝗱𝘀 𝗖𝗮𝗻 𝗧𝗲𝗹𝗹, 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿𝗮 𝗝𝘂𝗮𝗻𝗮, 𝗛𝘂𝗹𝗼 𝗮𝘁 𝗜𝘇𝗮𝘆.
Dala ng excitement ay hindi nakapagpigil ang ilang mga kabataan na sumayaw at sumabay sa bagsakan ng kanilang mga paboritong banda na lalong nagpa-hype sa crowd. Sinabayan din ng mga millennials ang pambasag na rap performances ng 𝗖𝗮𝗹𝗮𝗽𝗮𝗻 𝗥𝗼𝗼𝗸𝗶𝗲𝘀.
Para kay City Mayor Malou Flores-Morillo ang ganitong uri ng okasyon ay nagpapamalas ng pagkakaisa ng bawat isang Calapeño, na sa bihirang pagkakataon ay magkakasamang nagkakasiyahan ang mga magkaka-pamilya magkakaibigan at magkakatrabaho.
Si 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 Atty. Jel Magsuci ay kasama din ng mga Calapeño sa naturang gabi ng kasiyahan. Dito ay kanyang sinabi na walang ibang layunin ang ang Pamahalaang Lungsod kundi mabigyan ng kasiyahan ang mga mamamayan, at bilang kasapi ng Sangguniang Panlungsod ay buo ang kanyang pagsuporta sa kasalukuyang administrasyon ni Mayor Malou Morillo tungo sa magandang pangarap nito para sa Calapan.
Samantala, upang ipakita ang kanyang pagsuporta sa mga malilit na negosyante sa Calapan, isa-isang pinuntahan ni Mayor Morillo ang puwesto ng mga manininda na lubos naman nilang ikinatuwa.
As usual, gaya ng mga paninda ng mga taga-night market ay mabenta rin siyempre si Mayora sa mga tindera at mga bumibili na gustong magpa-selfie sa kanya.
Sa Oktoberfest 2023 ay naging atraksyon din ang panindang motorsiklo ng 𝗕𝗲𝗻𝗲𝗹𝗹𝗶 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗼𝗿𝗼 gayundin ang mga produkto ng 𝗚𝗿𝗲𝗲𝗻 𝗔𝗿𝗰𝘁𝗶𝗰 𝗪𝗮𝘁𝗲𝗿𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 & 𝗣𝗼𝘄𝗲𝗿𝘀𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗖𝗼., 𝗟𝗧𝗗.
Ang katatapos lamang na Oktoberfest 2023 ay naging matagumpay dahil sa maayos na pangangasiwa ng Calapan City Tourism, Culture and Arts sa pamumuno ni 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿 𝗖𝗵𝗿𝗶𝘀𝘁𝗶𝗮𝗻 𝗚𝗮𝘂𝗱, katuwang ang iba pang konsernadong departamento ng City Hall at ng Calapan City Police Station para sa pagpapanatili ng seguridad.