Official Tent Distribution

Lunes, ika-3 ng Pebrero, pinangunahan ni Calapan City Mayor Malou Flores-Morillo ang official tents distribution, na ginanap sa Isolation Building, New City Hall Complex Brgy. Guinobatan. Labimpitong (17)

barangay ang unang nakatanggap ng mga retractable event tents mula sa city government, na kinabilangan ng Barangay Maidlang, Calero, Salong, Wawa, San Vicente West, Gulod, Managpi, Bucayao, Canubing II, Lumangbayan, Camilmil, Parang, Bondoc, Bulusan, Bayanan at Biga. Personal na tinanggap ng mga punong barangay ang naturang tent na handog ng Pamahalaang Lungsod sa kanila. Ngiting hanggang tenga naman ang naging sukli ng mga punong barangay sa biyayang natamo nila mula sa Ina ng Lungsod. Ang tent na ito ay tunay naman na malaking kapakinabangan sa iba’t ibang aktibidad at gawain sa bawat barangay na naging benepisyaryo.


Deprecated: str_replace(): Passing null to parameter #3 ($subject) of type array|string is deprecated in C:\inetpub\vhosts\cityofcalapan.ph\cityofcalapan.gov.ph\wp-content\plugins\accordions\includes\functions.php on line 791